Saturday , November 16 2024

May diabetes at sakit sa puso, 3rd priority sa COVID-19 vaccine

KOMPIYANSA ang Palasyo na walang doktor na magpapa­bayad o magpapagamit upang mameke ng medical certificate para palabasin na may comorbidity o may sakit ang kanyang pasyente para mapasama sa prayoridad na tuturu­kan ng CoVid-19 vaccine.

Ang mga taong may comorbidity ay may karamdamam tulad ng diabetes at sakit sa puso na nasa ikatlong grupong prayoridad na babakunahan kontra CoVid-19 base sa national vaccination program ng pamaha­laan.

“Talagang napa­kainit po ng balitak­takan diyan, kasi nga may mga nagsasabi na kapag pinayagan iyong may comorbidities maraming mandaraya para lang mauna sa pila. Sabi ko naman, pag­tiwalaan naman siguro ang ating mga doktor na mag-iisyu ng certificate na hindi naman sila magsisinungaling, dahil talaga namang mataas ang respeto natin sa ating mga doktor,” ani Presidential Spokesman Harry Roque sa panayam sa DZBB kahapon.

Ipinagmalaki ni Roque na ipinaglaban niyang mapasama sa mga prayoridad maba­kunahan ang may comorbidity dahil madali silang mahawaan ng sakit gaya ng senior citizens.

“Talagang ipinag­laban ko po iyan, kasi alam naman natin na sang-ayon sa siyensiya hindi lang matatanda ang vulnerable dito sa sakit na ito, e kasama rin iyong mga may comorbidities,” dagdag niya.

Maaari rin aniyang maituring na kasama rin sa prayoridad bilang economic frontliners ang media dahil hindi nagsara ang mga media company noong ideklara ang enhanced community quarantine noong nakaraang taon.

“Ngayon sinasabi n’yo siguro ‘yung mga economic frontliners. Eto kasi ‘yung mga industriya na hindi sarado noong ECQ at kasama sa hindi sarado ang mga news. Naalala n’yo ECQ kayo bukas. So ang basa ko riyan, kasama rin kayo, talagang frontliners din kayo dahil umulan, umaraw, may CoVid o wala, tuloy ang inyong trabaho. Nakasulat po roon sa resolution lahat ng mga manggagawa sa industrya na binuksan o pinayagang magbukas habang may ECQ e kasama sa magka­karoon ng prayoridad,” giit ni Roque.

Unang mababa­kunahan aniya ang health workers  mula sa Philippine General Hospital at iba pang referral hospitals, DOH hospitals, LGU hospitals at  pribadong pagamutan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *