Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KMJS ni Jessica Sunday night habit na

LINGGO-LINGGO ay talaga namang ng mga manonood ang Kapuso Mo, Jessica Soho at hindi na nga nakapagtataka na number 1 TV program ito ayon sa Nielsen Phils. NUTAM Ratings para sa buong 2020.

Matagal nang nangunguna sa puso ng viewers ang programa ni Jessica Soho. Kahit noong 2019, ito rin ang top-rating show sa nationwide urban ratings.

Pati online ay talaga namang napakalakas ng KMJS. Mayroon itong 1.7 billion views online sa taong 2020 lang at umabot na rin sa 21 million ang followers nito sa Facebook. Consistent din sa pagiging weekly trending topic ang KMJS.

Sa kabila ng mga pagsubok, pag-asa ang hatid ng mga kuwentong itinatampok sa KMJS.  Hindi nga ba’t isa ang KMJS sa mga nagkaroon agad ng fresh episodes noong kasagsagan ng pandemic last year? Patuloy din ang KMJS sa pagpapalabas ng inspiring stories kabilang na ang mga kuwento ng health workers at frontliners na walang sawang nagbibigay serbisyo sa bayan. Bukod pa sa ayuda na ibinibigay ng programa kada Linggo.

Nagiging daan din ang KMJS na matulungan ang mga kababayan natin sa pamamagitan ng mga donasyon ng mga manonood na diretsong nakararating sa mga nangangailangan.

Sunday night habit na nga kung ituring ang KMJS. Sana ay ipagpatuloy pa ninyo ang inyong Serbisyong Totoo!

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …