Saturday , November 16 2024

Health workers ‘di magpapaturok ng bakuna — AHW (Kung walang pruweba ng kaligtasan)

ni ROSE NOVENARIO

HINDI magpapabakuna ang maraming health workers kung walang pruweba na kayang tiyakin ng gobyerno ang kanilang kaligtasan.

Inihayag ito ng Alliance of Health Workers (AHW) bilang pagbatikos sa mga iresponsableng pahayag at hakbang ng pamaha­laan sa isyu ng pagbili at paggamit ng CoVid-19 vaccine gaya ng ‘puwede na,’ at ‘huwag kayong choosy.

“We convey our strong criticism to the government for its irresponsible statements and actions on the issue of CoVid-19 vaccine procurement and use like ‘puwede na,’ and ‘huwag kayong choosy.’ We want a government that ensures the safety and lives of our people,” ayon kay Robert Mendoza, AHW national president sa isang kalatas.

Ang health workers ang unang sector sa priority list ng pamahalaan na bibigyan ng CoVid-19 vaccine.

Giit ng AHW, nais nila’y bakuna na ligtas, may high efficacy rate at effectiveness rate, abot-kaya ang halaga at walang ‘tongpats.’

Kasabay nito ang isang taon nang panawa­gan ng AHW na massive testing, contact tracing, at proper isolation.

Binigyan diin ni Mendoza, isang taon na mula nang unang kaso ng CoVid-19 sa Filipinas ngunit ang batayang suliranin ng health workers kaugnay sa virus ay nananatili pa rin.

Hanggang ngayon aniya ay wala pa rin malinaw at kompre­hensibong plano ang gobyerno kung paano lalabanan at wawakasan ang CoVid-19.

“Health workers evaluated the DOH and Duterte administration’s one-year performance in handling CoVid-19 pandemic as inefficient, negligent and failure.”

Hanggang noong 29 Enero 2021, ang total number ng CoVid-19 cases sa bansa ay umabot sa 521,413, ang mga namatay ay 10, 552, at 1, 849 ang new cases.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) noong 28 Enero 2021 ay may 14,360 health workers ang nagpositibo sa CoVid-19, at 82 ang namatay habang 271 ang active cases.

”Looking back to what happened last year and until now,  despite the prompt and sincere response of health workers to save lives and cure victims of the disease, the DOH and government authorities remained extremely slow, numb, and deaf in responding to the needs of health workers and patients,” ani Mendoza.

Tila hindi natututo sa naging karanasan sa pagharap sa pandemya ang DOH at admi­nistrasyong Duterte dahil nang napaulat ang unang kaso ng CoVis-19 UK variant sa Filipinas ay hindi agad nagpatupad ng preventive measures upang maiwasan ang pagkalat nito.

Matatandaan noong nakaraang taon ay nakapasok ang unang kaso ng CoVid-19 sa bansa dahil hindi nag­patupad ang pamaha­laan ng travel ban sa China.

Iginiit ng health workers na ang nakalu­lungkot nilang kondisyon at bulok na health care system ay ganoon pa rin, walang pagbabago sa manapower ng mga pagamutan at kalidad ng serbisyo, walang libreng gamot at medical supplies para sa mga pasyente dulot ng patuloy na pagtapyas sa budget ng mga ospital.

“Nothing has changed in our situation: many health workers from the regions still lack of protective gear, severe understaffing in public hospitals and health facilities that lead to health workers to extend long hours of duty, low wages, over delayed of payment of miniscule and selective benefits such as actual hazard duty pay and special risk allowance. There is still difficulty of claiming the sickness benefit to all health workers who are infected with the deadly virus,” paliwanag ni Mendoza.

Hindi aniya ibinibi­gay sa kanila ang mga bene­pisyo gaya ng meals, transportation, accommodation allowance, at Performance Based Bonus ng 2018 at 2019.

Sinabi ni Bonifacio Carmona, Jr., AHW national officer, kung may sinseridad ang DOH at administrasyong Duterte sa kapakanan ng health workers, hindi sila pahihirapan na makuha ang mga dapat matang­gap na benepisyo.

Ang naging kalakaran aniya ay kailangan pa nilang magprotesta bago makuha ang pinag­hirapang mga benepisyo.

“If the DOH and Duterte administration are really sincere in our well-being, they will not make it difficult for us to get the benefits that are for us. What is happening is that we still have to protest before they will give our hard earned benefits,” ani Carmona.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *