Saturday , November 16 2024

PSG deadma sa FDA probe sa ilegal at smuggled Sinovac COVID-19 vaccine

DEADMA ang Presidential Security Group (PSG) sa isina­sagawang imbesti­ga­syon ng Department of Health (DOH) sa paggamit nila ng smuggled at hindi awtorisadong anti-CoVid-19 vaccine na gawa ng Sinopharm.

“The secretary of health sent a letter to the PSG asking for a list of whoever was vaccinated, if they were and what the vaccine was so that they can be monitored and checked for adverse events, but I don’t think there’s been any reply,” ayon kay Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo sa panayam sa The Source sa CNN Philippines kahapon.

Aniya, ang ginawa ng PSG ay magiging mas mapanganib kapag nagsimula ang mass vaccination sa bansa.

Nagbabala si Domingo sa posibilidad ng pagbaha ng smuggled vaccines kapag nag-umpisa ang legal na pagdating ng mga bakuna sa Filipinas.

“[When] you have vaccines that are coming in legally, that’s also the time when the illegal jabs could be slipped inside. So I want all possible ports of entry checked and [we’re] working with agencies… to make sure that the only vaccines coming in are those that are authorized,” giit ng FDA official.

Matatandaan iniha­yag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang pakialam kung mamatay ang mga kagawad ng PSG na naturukan ng ‘smuggled’ at “unauthorized” Sinopharm CoVid-19 vaccine.

Nagbanta siya laban sa ikinakasang imbesti­gasyon ng Kongreso sa isyu ng illegal na bakuna ng mga kagawad ng PSG na para sa kanya ay ‘self-preservation’ ng mga sundalo.

Giit ni Duterte, hindi siya makapapayag na gisahin ng Kongreso ang PSG at inutusan niya si PSG Commander Jesus Durante na huwag magpunta sa imbitasyon ng Kongreso.

“I think now I will tell Durante — he is here — Durante, do not obey the summons. I am ordering you to stay put in the barracks. Medyo klaro naman siguro ‘yan?” aniya.

Itinuloy pa rin ng Senado ang pagsisi­yasat sa CoVid-19 vaccination program ng administrasyon pero hindi ipinatawag si Durante at nagsentro ang imbestigasyon sa presyo ng mga bakunang bibilhin ng national government.

Nairita si Duterte sa paggisa ng mga senador kina Health Secretary Francisco Duque III at vaccine czar Carlito Galvez, Jr., na para sa kanya ay inaakusahang may korupsiyon sa vaccine procurement.

Nanindigan ang Pangulo na malinis ang transaksiyon ni Galvez sa mga pharmaceutical company at ang banko umano ang direktang magbabayad sa kanila kaya’t walang hahawa­kang pera ang kanyang mga opisyal.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *