Saturday , November 16 2024
Rodrigo Dutete Bong Go
Rodrigo Dutete Bong Go

Presyo ng manok at baboy ididikta ng EO ni Digong — Go

TINIYAK ni Senador Lawrence Christopher “Bong” Go na maglalabas ng Executive Order (EO) si Pangulong Rodrigo Duterte para sa tamang presyo ng baboy at manok nang sa ganoon ay mabigyan ng proteksiyon ang kapakanan ng mga mamimili at ganoon din ng mga namumuhunan.

Inamin ni Go, kasalukuyang pinag-aaralan ng tanggapan ng Pangulo ang lalamanin ng naturang EO na kanyang lalagdaan.

“Lagi ko itong pina-follow up din po sa ating Executive Department at inaasahang mapirmahan po ng Pangulo,” ani  Go sa isang panayam matapos mamimigay ng tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Pasay.

Ani Go, tinitiyak ng pamahalaan na ang interes ng bawat isa lalo ang mga mamimiling mahirap ang isinasaalang-alang ng Pangulo.

“‘Yun nga po ang pinag-aaralan ngayon ng Executive (Department). Binabalanse naman po nila ang lahat… consumers, ordinaryong mamamayan and, of course, ‘yung traders din po na alam naman nating talagang apektado rin ang kanilang pagnenegosyo,” dagdag ini Go.

Magugunitang ilang grupo ng hog raisers at poultry farmers ay nais magkaroon ng price ceilings sa mga manok at babaoy.

“Sisiguradohin po ng ating Pangulo na babalansehin niya po ang kapakanan po ng karamihan,” dagdag ni Go.

Sinabi ni Go, kinausap niya si Department of Agriculture Secretary William Dar para dagdagan ang Minimum Access Volume (MAV) para sa importasyon ng baboy para makatulong sa local pork supply at para masi­guro na ang presyo ng karne ay maala­layan.

“Nakausap ko rin po si Sec. Dar… isa po ito sa kanyang ipo-propose kay Pangulong Duterte, increasing the MAV para po bumaba ‘yung presyo dahil talagang kulang ‘yung supply,”  pag-amin ini Go.

“Kailangan natin itong solusyonan. Lalong-lalo sa panahon ngayon na marami pong mga kababayan natin ang nawalan ng trabaho. Walang pambili ng pagkain ang mga ;yan. Tataas pa ang presyo. Mas lalong mahihirapan ang mga kababayan natin,” pagwawakas ini Go.

(NIÑO ACLAN)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *