Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Presyo ng bakuna, militarisasyon

SA KATATAPOS na Senate hearing tungkol sa presyo ng bakuna kontra CoVid-19, kinuwestiyon si Carlito Galvez, Jr., ng mga senador tungkol sa tunay na presyo ng Sinovac kung hindi  puwedeng ibunyag.

Mariing ipinagtanggol ni Rodrigo Duterte ang kaniyang “vaccine czar” at nagsabi na walang “magic” na naganap sa pagkalap ng bakuna. Sa weekly media briefing ni Duterte, sinabi  ni DOH Secretary Francisco Duque na may non-disclosure agreement sa pagitan ng gobyerno at vaccine manufacturers: “Hindi po talaga kami puwedeng magsalita kung magkano ‘yung figures, halaga, data at volume.”

Sa ganang amin, pabor ba sa interes ng mamamyan ang sinabi ni Mr. Galvez na ang ibig sabihin walang karapatan ang publiko na mag-usisa dahil ito ay taliwas sa sinasaad sa RA 9184 sa Rules On Government Procurement.

Dahil sa batikos  mula sa taong bayan nasaktan si Mr. Galvez at nagsalita: “Sa atin po gusto ko lang pong ipaalalala sa ating mahal na mamamayan, marami pong mababait at saka very honest dito sa government service po natin. Huwag po natin anuhin na paggaling ka sa gobyerno corrupt po ang mga tao. Minsan nakakasakit po ng damdamin.”

Sa huli nag-about-face ang palasyo at sinabi nila na ang presyo ng bakuna ng Sinovac ay hindi tataas sa P650 na halos pantay sa presyong ibinayad ng Indonesia. Malayo po ito sa unang presyo na P3,500 na galing mismo sa DOH.

Ani Mr. Galvez: “Gov’t saved $700M after negotiating for lower price.”

Pero hindi dito natatapos ang isyu, dahil nalaman natin na ang presyong ibinayad ng Thailand ay mas mababa nang P200. Katak0t-takot na batikos ang ibinato sa itinalagang “vaccine czar” at sa bandang huli nagsalita siya: “We value honor more than our lives.  Rest assured our dealings are fair and square. Marami pong mababait at honest po sa government service po natin. Huwag po natin isipin na kapag nasa government corrupt na kaagad. I am honest, we are honest.”

Heto naman ang sinabi ng isang kaibigang netizen na itatago natin sa pangalang Cesar Rio Pascual: “Palace: Sinovac price not far from P650 is still overpriced. Kickback is still substantial. Based on the Thai price of $5 (P240.50) per dose, the new price is still high. At P650 per dose, the overpriced is P409.50 per dose or about P10.24 billion for 25 million doses. Let us not drop our guard. Continued vigilance is required. Baka malusutan tayo.”

Ayon pa rin kay Cesar, posible pa rin magka-kickback sa presyong P650 kada piraso. Ang aking kaibigan na si Maris Hidalgo may magandang hirit sa kanila: “Sana pala ay $700M ang kickback? Nakakasakit nga ‘yan. Ginto na naging bato pa.”

Pati si dating senador Sonny Trillanes hindi naiwasang magbitaw ng patutsada.  Ani dating senador Sonny Trillanes: “Grabe mag-abogado si Duterte sa Sinovac.  Parang may retainer.”

Natawa po ako nang magunita ko ang sinabi ng tagapagsalita ng Malacañan na si  Harry Roque na hindi tayo dapat maging “choosy” at reklamador. Pero paalala po natin sa tagapagsalita ni Duterte na kara­patan ng bawat mamamayan na maging “choosy” at magreklamo, dahil ito lang ang paraan upang hingin sa mga nakaluklok ang pamamahala na sukli sa kanilang binabayarang buwis. Kaya huwag kayo pikon at balat-sibuyas.  Karapatan namin iyan.

*****

15 Enero 2021 nagulantang ang campus ng University of the Philippines nang mabalitaan na tinapos ni Duterte ang kasunduan sa pagitan ng UP at ng AFP na off limits ang naturang pamantasan sa mga kawal at pulis at bawal silang pumasok nang walang pahintulot mula sa administrasyon ng pamantasan. Marami ang nangangamba sa maaaring mangyaring militarisasyon sa pamantasan ng mga iskolar ng Bayan.

Pero iba ang nakikita ng kaibigan nating netizen si Butch Del Rosario na maaaring ito ay paraan upang ilihis ang atensiyon ng madla sa gusot ngayon sa CoVid-19 vaccines, at ito ang kanyang saloobin: “It’s so alarming to see in the news that the UP-DND accord has been abrogated. Deviation tactic for the PRICEDEMIC uncovered thru the people’s vigilance & the Senate investigation? When will we get what are due for us?”

Ito ang sinabi ng Kalihim ng DND na si  Delfin Lorenzana: “Sa UP mayroon silang Demilitarized Zone o DMZ where the military cannot enter without coordination. What makes UP so special?  Nasa Korean border ba kayo? CLOY is life na ba?  We are not your enemies.  We are here to protect our people especially the youth.”

Nagsalita din ang dating hepe ng PNP na si Oscar Albayalde: “In state universities they are given free education.  Pero minsan ‘di ka pa nakaga-graduate, you are already going against the same government that is giving you free education.”

Sinagot siya ng dating Solicitor General Florin Hilbay at ito ang tugon: “Sir, the goal of education (free or not) is to develop the critical mind of citizens. Students don’t owe gov’t; they (UP students) get free education from Filipinos who pay taxes.  Students learning to criticize gov’t for incompetence, corruption and inefficiency is wonderful use of public funds.”

Ayon sa decano ng Far Eastern University College of Law na si Dean Mel Sta Maria, maaaring may iilang estudyante ng UP ang sumasapi sa NPA, pero sobrang konti lang nila para itigil ang tratado sa pagitan ng UP at DND. Ang kasunduan sa pagitan ng UP at ng DND ay nagsasaad na bago pumasok sa UP campus ang militar at pulis ay magbibigay ng abiso sa mga opisyal ng pamantasan. Ito ang kasunduang nilagdaan ng dating Ministro Juan Ponce Enrile at student-leader Sonia Soto noong 1982, at ito ay naggagarantiya ng proteksiyon sa pamantasan mula sa pakikialam ng militar.

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *