Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klinton, babarkadahin sina Joshua at Lloydie Magpapaturo ako ng matinding aktingan

NAKAUSAP namin kamakailan ang talented at gwapong bagets na si Klinton Start. Tinanong namin siya kung ano ang latest tungkol sa kanya. Ang sabi niya, ”So far wala pa pong update sa amin kung anong mangyayari. Pero may mga bagong show sa SMAC TV, stand by lang muna kami.”

Si Klinton ay nasa pangangalaga ng SMAC. At habang wala pang ginagawa, focus muna siya sa kanyang pag-aaral at pagti-Tiktok.

First year college siya sa Trinity University of Asia, taking-up Marketing Management. Ito ang kinuha niya dahil, ”Kasi ‘di ba sa family namin..business related? Gusto ko rin po na mag-business.”

Hanggang ngayon ay may pandemic pa rin sa bansa. Kung matatapos na ito at magiging normal na uli ang sitwasyon, ano ang unang-una niyang gagawin?

“Gumala,” sagot ni Klinton.

’Di ba tayong mga Filipino, mahilig talagang gumala?Nakakagala naman tayo ngayon kahit may COVID 19. Pero siyempre, gusto nating gumala na walang suot na face mask at face shield. So ‘yun ang una ko talagang gagawin, ang gumala po with my friends.”

Given a chance, sino sa mga artista ang gusto niyang makasama sa paggala?

“Sina Joshua Garcia at John Lloyd Cruz. Paggala namin, oo mag-i-enjoy kami at the same time. Gusto ko kasing humingi ng tips sa kanila kung paano umakting ng ganito, ng ganyan. Sila kasi ang mga idol ko pagdating po sa pag-arte.”

Sa babae naman ang gustong makasama ni Klinton ay ang no.1 crush niyang si Nadine Lustre.

Si Klinton ay isa sa endorser ng CN Halimuyak Pilipinas, na ang CEO/President ay ang mabait at generous na si Ms. Nilda Villafana Mercado Tuason. Bukod sa mga pabango, may produkto rin silang alcohol, hand sanitizer, foot bath disinfectant solution at marami pang iba. Ang CN Halimuyak Pilipinas ay mabibili sa murang halaga. Kumbaga, presyong kaibigan na abot kaya ng masa.

Nakatutuwa lang si Ms. Nilda dahil 10% ng kinikita ng CN Halimuyak Pilipinas ay ibinibigay niya sa mga nangangailangan, lalo na sa mga frontliners na itinuturing nating mga heroes ngayong pandemic. Sa mga may gustong bumili, may branch ang CN Halimuyak Pilipinas sa 2nd floor ng Robinsons Novaliches. Kung bibili kayo, makatutulong pa kayo sa ating mga kababayan, ‘di ba beshie John Fontanilla?

(ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …