Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapistahan ng Sto. Niño, payapa

MATAGUMPAY at naging payapa ang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño de Tondo at Pandacan dahil sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod ng Maynila na maging maayos at masunod ang ipinatutpad ng pamahalaan na health protocols kaugnay ng pandemyang dulot ng CoVid-19.

Sa tulong ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na walang humpay sa pagpa­paalala sa mga inidibidwal na sumunod sa ipinag-uutos hindi lamang ng DOH kundi maging ng lokal na pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Pinasalamatan ng alkalde ang publiko partikular ang mga deboto dahil sa pagpa-pairal nila ng kanilang disiplina sa gitna ng pandemyang kinakaharap ngayon ng buong mundo.

Pinasalamatan ni Isko ang buong puwersa ng MPD sa pamumuno ni District Director P/Brig. Gen. Leo Francisco dahil sa puspusan nilang paghahanda sa pag­diriwang ng mga Kapistahan.

Tulad sa Traslacion, lalong pinaigting ng MPD ang   “police visibility” sa mga lugar na sakop ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño partikular sa sa Tondo at Pandacan .

Mahigpit na ipinatupad ni Mayor Isko ang umiiral na batas at kautusan tulad ng pagsusuot ng facemask, liquor ban, at pagsunod sa health protocols tulad ng physical distancing.

Ipinatupad din ng MPD ang “zero vendor” at “zero obstruction” sa paligid ng simbahan ng Tondo at Pandacan kaya’t naging maayos, maaliwalas at maluwag ito para sa mga deboto na nagsimba at nakiisa sa Pista ng Sto. Niño.

Batay sa datos ng MPD, umabot sa kabuuang bilang na 26 ang lumabag sa ipinatutupad na liquor ban sa Tondo at Pandacan nitong nagdaang kapistahan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …