Tuesday , November 19 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Puro pasingaw

SIMULA 2021, ika-limang taon ng rehimen ni Mr. Duterte, hindi pa humuhupa ang ingay na tangan ng mga bulilyaso nito noong 2020 na umapaw sa sumunod na taon.

Mainit pa rin ang isyu ng CoVid-19 vaccine na ipinuslit at itinurok sa mga kawal ng PSG. Bukod sa PSG, inamin ni Teresita Ang-See na may isandaanlibong mga Tsinong POGO workers ang sumailalim sa bakuna kontra CoVid-19. Hindi sinertipikahan ang bakuna ng FDA. Iyan ang pinakamatinding issue. Dahil ang bansa natin ay bansa ng batas, at ang bawat galaw ng ating mga ahensiya ay sumasang-ayon at umiikot sa Saligang-Batas na taliwas ang ganitong kalakaran, lalo sa hanay ng mga kawal ng Hukbo.

Dalawa ang nakikita ko. Nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga nasa poder na ibalewala ang mandato ng mga batas. Nawawalan ng respeto ang mga tao partikular ang mga Tsino dahil batid nila na puwede silang gumawa ng anumang bagay sa ating bansa.

Hindi maganda ito at nakikita ko na may masamang hahantungan ang taliwas na polisiya ng pamahalaan ni Duterte. Tandaan na ang batas ang sandigan ng ating pagkabansa. Ang batas ang nagpapatunay na ang Filipinas ay kasapi sa mga bansang sibilisado. Kapag nabalewala ito, sa bandang huli talo tayong lahat dahil kapag walang respeto sa batas parang nanumbalik ang panahon ng Wild West at mas gugustuhin ng taumbayan na ilagay ang batas sa sariling kamay.

Ito ang mga piling salita mula sa isang netizen na itatago lamang natin sa pangalang  Ding C. Velasco: “Duterte on the warpath because the House & the Senate will summon the PSG, DOH, FDA to get to the bottom of the smuggled vaccines from SinoPharm of China used to vaccinate the entire PSG Command. Duterte warns the PSG Commander to ignore any Congressional Summons and just stay inside the PSG Barracks.

“Then not satisfied in subverting the legality of Congressional Summons, he personally warns leaders of Congress that if Congress insists that the PSG Commander come before Congress, he will personally fetch the PSG Commander in order that he not be forced to testify. What do you call these actions coming from the man entrusted to defend the Constitution and enforce the legal orders and laws of the land? Obstruction of Justice. Suborning the power of Congress to summon all persons they need in aid of legislation. Principal to a smuggling act of illegal vaccines in a time of an epidemic. Allowing the use of illegal substances not yet approved by the FDA and many more.

“Meet Mr. Duterte, the tin pot dictator who best serves his country only when he is asleep.”

Heto pa ang opinyon ng netizen si Elgin Lazaro: “Smuggling is a crime! Bakit inuunahan palagi ng pananakot ang imbestigasyon? Dahil implicated siya sa ilegal na ginawa?

“Bago pa man gumulong ang mga imbestigasyon kaugnay ng paggamit ng Presidential Security Group sa ‘smuggled’ na #COVID19 vaccine, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang tila nagpawalang-sala sa mga naturukang sundalo. Dagdag pa ni Duterte na handa siyang makipagbanggaan sa sinuman, maging sa Kongreso, na magpaparusa sa mga miyembro ng PSG wala umanong ginawa kung hindi gampanan lang ang kanilang trabaho.”

Samakatuwid mismong si Rodrigo Roa Duterte ang promotor. May gana pa siyang magbanta sa mga mambabatas samantalang maliwanag ang Saligang-Batas sa pagkahiwalay ng Ehekutibo at ng Lehislatura.  Samakatuwid dapat tanggalin si Duterte sa poder dahil inabuso niya ang kanyang pagiging pangulo at niyurakan niya ang Saligang-Batas na kanyang sinumpaan.

Mag-isip-isip na tayo.

*****

KALUNOS-LUNOS ang babaeng ginahasa at pinatay sa kasagsagan ng ating pagsalubong sa Bagong Taon.  Natagpuan na walang buhay sa loob ng kuwarto ng isang hotel ang isang 23-anyos flight attendant. Ang mga suspek, tinatayang siyam hanggang 10 katao.

Sa ulat ng GMA News TV “QRT” nitong Lunes, sinabing tanghali noong Biyernes, 1 Enero 2021, nang makita ang katawan ng biktimang si Christine Dacera.

Sa imbetigasyon ng mga awtoridad, lumilitaw na pinainom umano ng droga ang biktima at ginahasa. Mayroon din mga sugat na nakita sa katawan ng biktima.

Napag-alaman din na hindi umano alam ng biktima na marami silang nasa hotel na tinatayang nasa siyam hanggang 10 suspek. Dalawang kuwarto umano ang inupahan sa hotel kung saan nag-party ang mga suspek.

Sinampahan na ng reklamong rape with homicide ang mga natukoy na suspek, tatlo sa kanila ang nadakip na subalit anim sa mga suspek ang pinaghahanap pa habang isinusulat ko ito. Nagbigay ng statement si Chief PNP Debold Sinas at binibigyan niya ng pitumpu’t dalawang oras ang mga suspek para sumuko. Bukod dito nagsabi siya na nalutas na ang kaso.

Kasama ng biktima ang mga kapwa niya cabin crew at kaibigang sina Rommel Galida, Gregorio Angelo, Rafael De Guzman, at John Dela Serna nang mag-check-in sa Room 2209 ng City Garden Grand Hotel, alas 12:30 ng madaling-araw noong January 1.

January 1, 5:00 PM, nang ipaalam ng Makati Medical Center sa pulisya ang insidente.

Ayon kay Makati Police Chief Depositar, bukod sa grupo ng biktima ay may mga dumating pang ibang tao sa nasabing kasiyahan at hindi bababa sa 10 katao ang kasama ng grupo ng biktima kaya nagdagdag pa sila ng isang kuwarto bukod sa inisyal na Room 2209.

“Matutukoy din natin kung saan talaga nangyari ang krimen kasi bandang alas-sais ng umaga ay nakita sa CCTV ng hotel na binubuhat siya ng mga lalaki papasok sa Room 2209,” ani Makati Police Chief Depositar.

Masaklap ang dinanas ng Christine Dacera at humihingi ng katarungan ang pamilya niya at ang publiko. Sana matuldukan na ang insidenteng ito at bigyan ng hustisya si Christine at iba pang biktima ng karahasang ito na walang kinikilingan ang sinuman.

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *