Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Caloocan City

132 kawaning job order ginawang regular sa Caloocan City

MAHIGIT 132 contractual at job order workers na ilang taon nang nagseserbisyo sa lungsod ng Caloocan ang ginawang regular ni Mayor Oscar Malapitan.

“Binigyan prayoridad natin ang mga empleyado ng City Hall na nasa mahigit 30 at 20 taon nang nagsisilbi para sa mga mamamayan ng Caloocan ngunit hindi pa rin regular sa trabaho. Karamihan sa kanila ay street sweepers, nasa engineering, admin aide at mayroon din day care workers,” ani Mayor Oca.

Bukod sa regularisasyon ng job order at contractual workers, nasa mahigit 100 regular employee na ilan taon nang hindi nabibigyan ng promotion ang ini-promote sa ilalim ng tuloy-tuloy na programa ni Mayor Oca.

Ayon kay Human Resource and Management Office head Ms. Lorilei Del Carmen, sa kabila ng patuloy na hamon dulot ng pademya ay ninais ng punong lungsod na bigyan pansin ang programa sa regularisasyon.

“Ako po at ang grupo ng Day Care Workers na binigyan po ng pansin ang status namin bilang job order ay lubos na nagpapasalamat. Ilang alkalde na po ang naupo ngunit ngayon lamang kami napansin at ginawang regular, sa ilalim ng ating mahal na Mayor Oca,” pahayag ni Ma. Isabel Clima na mahigit 31 taon nang nagsererbisyo bilang Day Care worker.

Ayon kay Mayor Oca, ito ay bilang pasasalamat sa matagal nilang serbisyo at malasakit sa Caloocan.

“Dapat ay walang politika sa pagseserbisyo. Sa ilang taon pagsisilbi sa mga taga-Caloocan, deserved nila na maging regular na kawani ng pamahalaang lungsod.”

(JUN DAVID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun David

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …