UMAASA si Anthony Joshua na tatabi muna si Oleksandr Usyk at kalilimutan ang ‘step-aside deal’ para mangyari ang bakbakang Joshua-Tyson Fury fight. Paniwala niya, si Usyk ay isang ma-katuwirang tao.
Si Usyk, ang dating undisputed world cruiser-weight champion, ang WBO’s mandatory challenger.
Una nang sinabi ni Paco Valcarcel, ang WBO’s president na dapat harapin ni Joshua si Usyk pagkaraang sagasaan nito si Kubrat Pulev, ang IBF’s mandatory na ginanap sa Wembley noong naka-raang buwan.
Sa unang pahayag ni Usyk ay hindi siya interesado sa isang ‘step-aside deal.’
Ang huling WBO mandatory defence sa heavyweight ay noon pang Setyembre 2017, nang talunin ni Joseph Parker si Hughie Fury sa Manchester.
Ganoon pa man uma-asa si Joshua na magiging bukas si Usyk sa isang usapan, na magbibigay-daan para sa Joshua-Fury fight para sa WBC, WBO, WBA, IBO at IBF titles.
“I think Usyk will be keen to step aside and let the fight happen,” pahayag ni Joshua.
“We’ve reached out to his management team. He’s a reasonable person and he’ll understand the magnitude of this situation.
“Look, if I go right I’ve got Tyson Fury, tough fight. If I go left, I’ve got Usyk, another tough fight. Ideally I’ll go right but ultimately all I want to do is focus on the fight.
“It’s a challenge for me. I respect Fury, he’s done great things. But I want to challenge myself. If that’s with Tyson Fury for the WBC title I promise you I will go that route. I will take that opportunity with both hands and both feet.”
Ang isa sa magiging problema ni Usyk kung papayag siya sa step aside ay nangangahulugan na papayag din siya sa two-fight deal, na mawawala ang tsansa niyang mapalaban sa winner ng laban para sa apat na belts sa 2021.
Sa huling bahagi ng May, ang target date ng unang bakbakan ng all-British clash sa pagitan nina Joshua-Fury na posibleng ganapin sa London.
Kung ang rematch ng dalawa ay mangyayari sa Nobyembre o Disyembre, nangangahulugan na maghihintay ng matagal si Usyk hanggang 2022, pero dito naman eeksena sina Deontay Wilder at interim champion Alexander Povetkin na posibleng magpagulo ng kasahan ng laban.