HINDI kaaya-aya ang ‘Seven of Cups’ tungkol sa ilusyon at daya.
Nagpapakita na haharap ka sa tukso sa maraming aspekto ng iyong buhay. Gaya ng panloloko para sa pansariling kaligayahan o sa pera. Kalaunan, maiisip mo na nabubuhay ka sa ilusyon at makakaramdam na pinanlalabuan ka na ng pag-iisip.
Kung paanong nakabaligtad ang pagkakaguhit ng ibang nasa larawan. Gayondin ang ipinapahiwatig nito na nabubuhay ka sa ilusyon. Maaaring bagay o sitwasyon na nagbibigay sa iyo ng sandaling kaligayahan at dinaraya mo ang iyong sarili.
Dulot nito hindi ka produktibo at progresibo.
Kaya pinanlalabuan na ang iyong pag-iisip dahil hindi mo na nakikita ang tama at mali.
Ito ang dalang gayuma ng Seven of Cups.
Ipinapayong umalis sa sitwasyon at mag-isip-isip hanggang maging maayos ang iyong sarili at maliwanagan ang iyong kaisipan.