NANGUNGUNA ngayon sa puntos si Super Grand-master Teimour Radjabov pagkaraang magkampeon sa katatapos na Airthings Masters.
Lomobo ang kalamangan ni Radjabov sa sume-segundang si GM Wesley So at sa iba pang Grand-masters dahil sa panalong iyon.
Nasa ituktok ngayon ng $1.5-million Champions Chess Tour points rankings ang Azerbaijani chess player.
Dahil sa unang major event ng 10-leg tour, ang Airthings Masters title ay doble ang puntos at pera ang nakuha rito.
Si So ay winner ng Skilling Open noong Disyembre nang talunin niya si world champion Magnus Carlsen.
Ang Azerbaijani super grandmaster ay may 91 puntos na lomobo ang lamang na 29 kontra kay So, pangalawang puwesto.
Nangangahulugan na mayroon nang nakolektang papremyong $60,000 si Radjabov at si So ay $40,000.
Nasilat si So na maka-akyat sa semis nang ma-talo kay Maxime Vachier-Lagrave ng France sa quarter.
Sa araw na iyon ay nalaglag sa kontensiyon ang top seeded na sina Carlsen, Hikaru Naka-mura at Ian Nepom-niachtchi.
Nasa ikatlong puwesto si Armenian Levon Aronian na may 61 puntos, saman-tala si Carlsen ay nasa ikaapat na puwesto na may 50 puntos.
Si Vachier-La Grave na sumilat kay So sa Arma-geddon sa quarterfinals ay nasa ikalimang puwesto na may total points na 36.
Nakapuwesto sa pang -anim ang three-time at kasalukuyang kampeon ng Speed Chess na si Nakamura na may 30 puntos kasunod si Ne-pohmiachtchi, 25 puntos.
Samantala sina Daniil Dubov at Anish Giri ay nasa ika-walo at pang-siyam, may 22 at 1 puntos ayon sa pagkakasunod.
Limang regular legs, at 2 majors ang nalalabi bago ang finals na naka-kalendaryo sa torneo na aabutin hanggang Setyembre 2021.