BINIGYAN ng palayaw na “High-Tech” at “The Matrix” si Vasiliy Lomachenko—dahil napakahirap niyang tamaan ng suntok sa loob ng ring.
Ngunit sa huling laban niya kontra kay Teofimo Lopez, hindi pinansin ang moniker ni Lomachenko. Sa kanyang talento sa loob ng ring ay tipong mas madali para sa kanya na patamaan ng lehitimong suntok ang Russian fighter.
Umabot sa 183 total shots ang pinadapo ni Lopez sa Russian fighter kasama roon ang career-high 50 sa final round.
Dama ni Lomachenko ang taglay na lakas ni Lopez, na inamin niya pero tuwirang sinabi na ang lakas ay hindi maka-pagsasabi ng kabuuan sa sport ng boxing.
“He is a strong guy,” pahayag ni Lomachenko sa interbyu ng Snow-QueenLA on YouTube.
“But I can’t say he has some vicious punches that could knock you out cold. Yes, he does hit hard. But, you understand it’s not about how hard you hit. It’s about how accurate your punches land in certain parts of the head. Then, it could end up bad.”
Sa mga balita, pinaniniwalaan ng karamihan na si Lopez ang pinakamalakas sumuntok sa lahat ng nakalaban ni Lomachenko. Pero sa katotohanan, minsang bumagsak sa lona si Loma sa kamao ni Jorge Linares noong 2018 matchup.
Ang kasagutan ni Lomachenko sa katanungan kung sino ang mas malakas sumuntok sa dalawang nabanggit na naging katunggali.
Bumagsak man sa canvas si Loma sa 6th round, sinabi niyang hindi niya naramdaman ang yanig sa buong katawan at wala siyang naramdaman na panganib na tuluyan siyang luluhod sa laban. Tumayo siya nang may bagsik at dinomina ang kalaban para pata-ubin nang tuluyan sa 10th round.
Pahayag niya sa na-ging laban kay Lopez:
“He did land some punches. It didn’t hurt me, maybe because he didn’t land them right or maybe he is not as strong as he seems to be.”
Bagama’t sinasabi niyang hindi siya naka-ramdam ng seryosong panganib sa naging bakbakan nila, inamin niyang kinapos siya.
Nang ianunsiyo ang verdict ng tatlong hurado na pumabor kay Lopez, iniungot agad ni Loma ang isang rematch.