INALOK ng $100-M si Khabib Nurmagomedov para harapin si Floyd Mayweather, Jr., ka-agapay si Dana White sa promosyon, pagsisiwalat ng manager ni Khabib.
Si Ali Abdelaziz, manager at tumatayong representante ni Khabib sa kabuuan ng kanyang UFC career ay binuksan ang isang proposal na huma-hamon sa nagretirong kampeon para labanan si Mayweather.
Sinabi ni Abdelaziz sa TMZ Sports: “Listen, we got offered $100million to fight Floyd Mayweather.
“Dana White was on board, everybody was on board. But, you know, Khabib is an MMA fighter.
“If Floyd wanted to come to fight, get his little ass whooped, no problem.”
Si Mayweather, 43, ay retirado na sa ring bilang professional noong 2017 pagkaraang talunin niya ang dating UFC champion na si Conor McGregor.
Isang taon ang lumipas nang gibain ni Nurmagomedov si Mc Gregor at may pagka-kataon na gusto niyang kagatin ang hamon ng boxing legend pero pinahalagahan niya ang pangako sa ina na magreretiro na sa laban.
Nagbalik sa panahong iyon si Mayweather para sa isang exhibition bout kontra kay featherweight kickboxer Tenshin Nasukawa sa Tokyo na siya ay nanalo sa loob ng isang round.
Pagkatapos ng pakikipagbakbakan ni Floyd ay nagpahayag na hindi na muling sasalang sa ring kontra sa mga contenders sa boxing at nananatiling bukas ang kanyang pinto sa posibleng laban kontra kina McGregor sa isang rematch at Nurmagomedov.
Ibinulgar ni Khabib noong Oktubre, bago niya ianunsiyo ang kanyang UFC retirement na patuloy pa rin ang panliligaw ng kampo ni Mayweather para sa isang megafight.