Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Bagong Taon, bagong reboot

BAGONG Taon, panibagong taon.

Kumbaga sa kompyuter ito ang pagkakataon natin  mag-reboot.  Pagkakataong mag-umpisa taglay ang panibagong pananaw sa 2021.

Totoo na ang 2020 ay naging malaking pagsubok sa lahat ng tao sa daigdig, ito rin ay nagsilbing pagsubok para sa pagtitimpi ng sanlibutan.

Ang pandemya na dala ng CoVid-19 ay nagpabago sa ating lahat.  Sa pananaw ng marami, ito ay naging hatol na nagpakulong sa atin sa sarili nating tahanan.  Maliban sa ating pamilya, inilayo tayo ng pandemya sa mga kaibigan at kahalubilo sa araw-araw.

Naging malupit ang 2020 ‘yan ang hindi natin maitatanggi, ngunit ito ay mayroon din isinukli na kabutihan.

Sa loob ng ating pamamahay, naging mas malapit tayo sa ating mga mahal sa buhay na nagbunga ng mas magandang pakikitungo sa kapamilya at kasamang bahay at nagresulta sa pagkakaroon natin ng sinasabing “quality time.”

At kahit halos maubos ang playlist sa Netflix, ito rin ay naging pagkakataon para magbasa, magdasal, at magnilay-nilay.

Naging mahalaga ang pag-reconnect natin sa mga kaibigan na hindi natin nakikita sa normal na panahon.

Dahil lahat ay nabartolina, ang internet at social media ay nagsilbing tawiran para mabuhay muli ang pagkakaibigan at pagkaka-ibigan.

May kasabihan sa Ingles: “No man is an island.”  Kailangan ng taong normal ang pakikipaghalubilo sa kapwa.

Ito ang mahalagang papel na ginampanan ng  social media.

Ginawa pa rin nitong ‘normal’ ang sitwasyon nating abnormal.

Hindi maganda ang idinulot ng pandemya.

Bukod sa nawalan tayo ng mga mahal sa buhay, nawalan tayo ng kabuhayan. Batid natin na walang katiyakan ang daan na tinatahak ng ating mga namumuno. Lalong walang katiyakan kung ang mga hakbang nila ay para sa mamamayan o para sa sariling kapakanan.

Marami ang agam-agam. Subalit isa lang ang matitiyak ko.

Ang 2020 ay nakaukit na sa kamalayan natin.  At hindi ito mabubura sa isip ng bawat nakaranas nito habambuhay.

Ano ang sasalubong sa akin sa 2021?

Ito ay palaisipan sa atin ngayon.

Ang matitiyak natin ay maraming agam-agam at pag-aalala. Marami ang umaasa na ang nagbabadyang 2021 ay may hatid na aninag at liwanag ng pag-asa.

Marami ang tikom ang balikat at hinihintay na mas malalang pagsubok na maghahatid ng sama ng loob sa maraming kababayan natin sa panibagong taon.

Batid ng marami na mas magkakagulo ang mga nasa poder na magbibigay ng lalong maigting na pighati.

Marami ang nangangamba na sa bandang huli silang mga namumuno ang mas papanigan ang sariling interes na magiging dahilan ng tuluyang paglubog natin sa lusak.

Dahil hangga’t ngayon na nagbabadya ang bagong taon, naghahatid pa rin sila ng  kanya-kanyang kuro-kuro at estilo ng pagtitimon na sa wari ng matitino, ito ay wala na sa hulog.

Kaya ang karamihan sa atin ay nagma­manman, nakaabat at patuloy na umaasang mangingibabaw pa rin ang katotohanan at pagmamahal sa Lupang Tinubuan, tikom ang bibig at naka-abat sa anumang mangyayari.

Kahit naging payak at puno ng pighati ang nagdaang 2020, ang 2021 ay tunay na pagkakataon para lahat tayo ay mag-reboot, hindi lang para maging handa sa nagbabadyang mga bagong pagsubok, ito ay bagong pinto ng bagong pagkakataon.

Nawa’y maging mapayapa, matiwasay, at puno ng pagmamahal tayo sa Bagong Taon.

Isang Manigong Bagong Taon.

Kasihan nawa tayo ng Poong Kabunian

Mabuhay ang Inang Bayan.

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *