Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden at Julie Anne, pangungunahan ang pasiklaban ngayong Bagong Taon! 

SALUBUNGIN ang 2021 kasama ang Kapuso stars sa isang bonggang celebration na inihanda nila para sa  fans at viewers ngayong bisperas ng Bagong Taon!

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo nito, nais ng GMA Network na pasalamatan ang lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kanila sa kabila ng mga pagsubok na dala ng 2020.

Sama-samang bumilib sa world-class performances nina Alden RichardsJulie Anne San JoseChristian Bautista, Ken Chan, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, The Clash at StarStruck alumni, at marami pang iba ngayong December 31 para sa Kapuso Countdown to 2021: The GMA New Year Special.

Tampok din sa engrandeng event na ito ang mga espesyal na guests na sina Janine Teñoso, DJ Loonyo, Mannex Manhattan, at GForce. Tiyak hatid nila ay good vibes kaya naman huwag magpapahuli ngayong Huwebes, 10:30 p.m., sa GMA-7, GMANetwork.com at via GMA Pinoy TV.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …