Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

4 sa mahuhusay na Kapuso stars, tampok sa Best Sisters Forever ng MPK

MAGSASAMA-SAMA sina Diana Zubiri, Sanya Lopez, Sunshine Dizon, at Sheena Halili sa episode na pinamagatang Best Sisters Forever sa Magpakailanman.

Malapit ang samahan ng apat na magkakapatid na sina Linsie (Diana), Gee (Sunshine), Leslie (Sheena), at Arriane (Sanya).

Dahil wala nang ibang maaasahan, patuloy na nagtutulungan ang magkakapatid matapos maulila sa kanilang mga magulang.

Pero tunay na masusubukan ang kanilang samahan nang magkasakit sa bato ang kanilang bunsong kapatid na si Arriane.

Paano malalagpasan ng magkakapatid ang unos na ito?

Bukod sa apat na Kapuso actresses, bahagi rin ng episode si Snooky Serna na gaganap bilang kanilang ina.

Makakasama rin nila sa episode ang mga aktor na sina Juancho Trivino at Rafa Siguion-Reyna.

Si Gil Tejada Jr. ang nagdirehe ng episode na ito.

Huwag palampasin ang kuwento ng pagmamahalan at pagtutulungan ng magkakapatid sa Best Sisters Forever  sa Sabado, January 2, 8:00 p.m. sa #MPK.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …