Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bagong taon, bagong shows sa GMA mas exciting 

MAS exciting ang darating na bagong taon dahil may mga magbabalik at may mga bago ring palabas na handog ng GMA Network. Nitong Miyerkoles (December 23) ay inilabas na ang teaser plugs para sa mga magbabalik at bagong programa na hindi dapat palampasin sa GMA Afternoon Prime at GMA Telebabad.

Bagong taon, bagong hapon ang hatid ng bagong GMA Afternoon Prime line-up na pangungunahan ng inaabangang pagbabalik ng  Magkaagaw.

Mas iinit ang hidwaan nina Laura (Sunshine Dizon) at Veron (Sheryl Cruz) matapos mahuli ng anak ni Laura na si Clarisse (Klea Pineda) ang relasyon nina Jio (Jeric Gonzales) at Veron.

Samantala, matutuklasan na ni Maggie (Kyline Alcantara) mula sa kanyang inang si Nolie (Mylene Dizon) ang katotohanang anak siya ni Anselmo (Zoren Legaspi) sa fresh episodes ng Bilangin ang Bituin sa Langit.

Magsasama-sama naman ang malalaking pangalan para sa serye na aantig sa inyong mga puso –Babawiin Ko Ang Lahat. Ito ang magsisilbing kauna-unahang lead role ng promising drama actress na si Pauline Mendoza kasama sina Carmina Villarroel, Tanya Garcia-Lapid, Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Dave Bornea, at John Estrada.

Friendship over na nga ba para kina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate) dahil kay Cocoy (Migo)? Abangan ang pagbabalik nina Barbie FortezaKate Valdez, Migo Adecer, Snooky Serna, Dina Bonnevie, at Jay Manalo sa Anak Ni Waray vs. Anak Ni Waray sa GMA Telebabad.

Pakatutukan naman ang fresh episodes ng top-rating family drama series na Love of My Life sa GMA Telebabad. Simula noong Lunes ay napapanood na muli ang mga bida nito na sina Carla Abellana, Rhian Ramos, Mikael Daez, at Coney Reyes sa recap ng serye.

Kaabang-abang din ang reunion nina Lovi Poe at Benjamin Alves sa Kapuso rom-com series na Owe My Love. Makakasama nila ang mahuhusay na Kapuso stars na sina Aiai delas Alas, Ruby Rodriguez, Leo Martinez, Nova Villa, Jackie Lou Blanco, Winwyn Marquez, Buboy Villar, at Kiray Celis.

Samantala, inaabangan na rin ng lahat ang fresh team up nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion para sa Kapuso rom-com series na First Yaya sa GMA Telebabad. Tampok din sa serye sina Pancho Magno, Maxine Medina, Pilar Pilapil, Cassy Legaspi, at JD Domagoso.

Isa naman sa pinakamalaking proyekto ng GMA Entertainment Group sa susunod na taon ang cultural drama series na Legal Wives na pagbibidahan ni Dennis Trillo. Gaganap dito si Dennis na isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae na sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres), at Farrah (Bianca Umali).

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …