TUWING sasapit ang unang araw ng Setyembre, naririnig na natin ang boses niya–pahiwatig na nalalapit na ang Pasko. Ngunit sa likod ng kanyang malamig na boses at masayahing aura, sino nga ba si Jose Mari Chan?
Ngayong Miyerkoles, December 23, dalawang araw bago sumapit ang Pasko, tunghayan ang buhay ng tinaguriang “Father of Philippine Christmas Music” na si Jose Mari sa Tunay na Buhay, hosted by Pia Arcangel.
Paano nga ba nagsimula ang kanyang 53-year career bilang isang singer at songwriter lalo’t tutol dito noon ang kanyang negosyanteng ama?
Abangan din ang katuparan ng pangarap ni Pia na maka-duet siya. Manood ng Tunay na Buhay ngayong Miyerkoles, 10:30 p.m., sa GMA News TV!
Rated R
ni Rommel Gonzales