Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaina, buwis-buhay nang kumain ng roasted goose sa Tagpuan

HINANGGAN ng mahusay na direktor na si Macarthur Alejandre ang maituturing na buwis-buhay na eksena ni Shaina Magdayao sa pelikulang Tagpuan.

Sa isang eksena kasi na kinunan sa Temple Road sa Hong Kong sa China, nagdi-dinner sina Shaina (as Tanya) at Alfred Vargas (na gumaganap naman bilang lead male character na si Allan.

Sa naturang eksena, habang nag-uusap sina Tanya at Allan ay kumakain sila, at ang nakahain sa mesa sa naturang restaurant na kinunan ang eksena ay roasted goose.

Isang sikat, masarap at mamahaling delicacy o dish ang roasted goose sa China.

Tuloy-tuloy na kinunan ni direk Mac ang naturang eksena nina Shaina at Alfred; kain, usap, kain, usap ang dalawa, mahaba ang eksena.

Natapos naman ng matiwasay ang eksena. Hanggang sa sumunod na araw, nakarating kay direk Mac, na ikinagulat niya nang husto, na sumama ang pakiramdam at sumakit ang tiyan ni Shaina matapos kunan ang nabanggit na eksena.

Iyon pala ay hindi kumakain ng karne si Shaina, sa loob na ng mahigit apat na taon!

Sa madaling salita, isang vegetarian si Shaina, kaya puro gulay lamang ang kinakain ng aktres.

Panay ang puri ni direk Mac, may halong pagka-guilty, dahil ni hindi nagreklamo si Shaina o tumanggi na kainin ang roast goose na inihain sa kanya.

Bilang isang tunay na alagad ng sining at bilang isang mahusay na aktres, ginawa ni Shaina ang eksena kahit hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kapag kumain siya ng karne.

Kaya naman hinangaan ni direk Mac si Shaina sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho.

Biro nga ni direk Mac, kung alam lang niya, sana ay Chopsuey ang ipinakain niya kay Shaina.

“It’s an example of commitment! Ni Hindi niya kami inistorbo, na hindi pala siya kumakain ng karne, in-assume niya na bahagi iyon ng kanyang karakter bilang si Tanya.

“Sumunod siya kahit alam niya na maba-violate ang sistema niya sa pagkain niya ng roast goose. Ginawa niya kahit namumutla siya noong pumunta siya sa set the next day!

“Iyon ang example ko ng commitment,” pahayag pa ni direk Mac.

Bukod kay Shaina, all-praises din si direk Mac sa isa pang leading lady ng Tagpuan na si Iza Calzado at sa male lead ng pelikula at tumatayo ring producer (thru his B) ng pelikula na si Alfred na isa ring Congressman sa 5th District ng Quezon City.

Unang kasali sana sa Metro Manila Summer Film Festival 2020 pero hindi ito natuloy dahil sa pandemya, pero ngayong December 25, sa wakas ay mapapanood na ang Tagpuan bilang isa nga sa mga MMFF film entries na mapapanood sa buong mundo online via www.upstream.ph/mmff.

Sa panulat ng isa sa mga icon ng pelikulang Filipino na si Ricky Lee, maaaring makakuha ng tickets para sa Tagpuan sa https://www.gmovies.ph/content/vod/tagpuan/5fc598b4f2997b0347425b92?lang=en

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …