HINDI pa man nagsisimulang sumabak sa eksena, nararamdaman na ni JD Domagoso na magiging komportable siya na makatambal si Cassy Legaspi sa upcoming GMA primetime series na First Yaya.
First time silang magkakapareha on-screen pero matagal naman na silang magkaibigan.
Ayon kay JD, “May kaunting hiya rin naman lagi pero sa akin, we’re okay na eh, parang close na kami. I don’t think it’s going to be a problem because friends na kami ni Cassy and once we realize na for our characters lang ‘to, tingin ko naman hindi ito magiging problem for us.”
Dagdag pa niya, naghahanda na siya para sa lock-in taping sa darating na January. “Reading the script, of course, there’s a material na gusto ni Direk na panoorin ko para may basis po ako sa anong pwede kong gawin for my character.”
Eere ang First Yaya next year, kaya tutok lang sa GMA para sa mga update.
Rated R
ni Rommel Gonzales