Thursday , December 19 2024

Ian, dinedma ang birthday ni Nora: Hiniling na bigyan ng pagkakataong maalagaan siya

HINDI sumipot si Ian de Leon sa pa-birthday party ng ina n’yang si Nora Aunor noong Biyernes, Disyembre 11 sa Alfred’s Steak House sa Quezon City. Noong Linggo, Disyembre 13, inamin n’yang hindi totoo na dahil sa masakit na gout n’ya sa paa ang dahilan kung bakit siya ‘di nakapunta: sinadya n’yang ‘di pumunta.

Ginawa ni Ian ang pagtatapat sa isang livestream session sa YouTube channel noong gabi ng December 13.

Pinamagatan n’ya ang kanyang pagtatapat na The Bitter Truth.

Sa gitna ng nerbiyos at takot na ma-bash siya ng die-hard fans ng kanyang ina, ibinunyag ni Ian ang totoong dahilan: “May gusto siyang ipapunta na tao.”

Hindi naman binanggit ni Ian ang taong tinutukoy niya na gustong papuntahin ni Nora sa kanyang birthday.

Aniya: “Sagot ko, ‘Sorry, ma, I don’t think na magiging comfortable kami.

“And doon lang sa mga nakaaalam, sa mga nakaaalam talaga, alam niyo na ho iyon… Thank you sa pang-unawa. Ayoko na ng showbiz, ayoko na.”

Nasaktan din si Ian na pagkatapos ng phone call nila ng kanyang ina dahil kinabukasan ay may tanong ito sa text: “Anak, puwede ko bang i-vlog ‘yung pinag-usapan natin?”

Mensahe n’ya sa kanyang ina: “Ma, alam kong nanonood kayo, uulitin ko, mahal na mahal kita. Hinding-hindi magbabago ‘yun, ma.

“Pakiusap ko lang, bigyan mo naman ng chance ang family mo.

“Ilang taon na kayo, ma. Bigyan niyo kami ng pagkakataon na alagaan ka, mahalin ka, lambingin ka araw-araw.

“Pakiusap, ma, ang mga tao sa paligid niyo, alisin niyo na ‘yan.

“Pamilya mo naman. Nakikiusap ako bilang anak mo, bilang anak mo na nagmamahal sa ‘yo.”

Hiling pa ni Ian sa kanyang susunod na kaarawan, tanggalin ni Nora si “Nora Aunor” sa kanyang pagkatao at makita nila ang tunay na Nora na hindi showbiz.

“Ang hiling ko, hindi magarbong handa, hindi cake, ang hiling ko ma, maging Nora Cabaltera Villamayor ka, hindi Nora Aunor.

“Gusto kong maranasan ng mga apo mo ‘yung pagmamahal na puwede mong i-share. Gusto ko makasama mo sila habang may lakas pa tayo.”

Paglilinaw naman n’ya kung bakit humaharap siya sa madla sa pagkakataong ito para magsalita tungkol sa kanyang ina: “Gusto kong sabihin ngayon, sinasabi ko na dahil hindi ko na kaya. Siguro ikamamatay ko kapag hindi ko pa sinabi ‘yung totoo dahil ang bigat na.

“Ang katotohanan talaga sa buhay ng mga tao, lahat ‘yan pinagtatakpan, hindi nila inilalabas ang katotohanan dahil masakit pakinggan, mahirap lunukin.”

Halos taghoy ni Ian sa isang punto:

“And this has to end, this hypocrisy has to end. We don’t like to live like this anymore. We don’t want to live a lie anymore.”

Pahayag naman n’ya sa netizen bashers: “…In behalf of my siblings, most especially kay Matet, kay Ate [Lotlot de Leon] na lang, sana naman po, ‘yung mga basher, ‘yung mga hater na ‘di nakaiintindi,’ di namin kayo kilala, eh [pero] kung ano-ano pinagsasabi niyo sa amin.”

Nilinaw niya na hindi niya intensiyong “manumbat o manira,” pero para bigyan ng “disclosure” ang pamilya niya.

Giit niya, “Kasi buong buhay namin, pinoprotektahan namin ang mommy namin, kahit hindi niya alam.

“Nandito kami, Ma, handang-handa naming ialay ang buhay namin para sa ‘yo.

“Tutulungan ka namin gawin lahat ng mga kailangan mo gawin sa buhay, bigyan mo lang kami ng pagkakataon.”

Na-appreciate naman  Ian ang gesture na ginawa ng ina, pero katulad ng una niyang nabanggit, “magkita-kita man tayo, ‘yung tayo-tayo na lang.”

Ginunita pa nga n’ya ang una n’yang reaksiyon nang sabihin sa kanya ni Nora na ipaghahanda siya nito para sa kanyang kaarawan.

“Maghahanda siya for my birthday which is ilang taong hindi nangyari ‘yun… 

“I was overfilled with joy, nagbago ihip ng hangin. Lahat ng problema ko, lahat ng pinagdaraanan ng pamilya ko, nawala noong sinabi ng mommy ko na magpaplano siya at magkikita kami nitong birthday ko. Tuwang-tuwa na ako.”

Sa huli, sabi ni Ian, “Hindi ko alam kung saan ito papunta pero ito ‘yung totoo.”

Samantala, habang isinusulat namin ito, wala pang reaction ang dating superstar tungkol sa mga pahayag ng kanyang anak.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *