IPAGPAPATULOY ng Globe ang agresibong network expansion, sa target na magtayo ng record number ng bagong cell sites o towers sa mas maraming lungsod at bayan sa bansa sa susunod na taon.
Para sa 2021, tinatarget ng Globe na magtayo ng pinakamalaking bilang ng cell towers sa kasaysayan ng kompanya sa patuloy na pagtaas ng demand para sa connectivity at mas malaking kapasidad sa nakalipas na mga buwan at inaasahang tataas pa sa susunod na taon.
“We would like to thank the government for all its support, specifically in downsizing the requirements or permits we needed especially in the second half of this year. With more and more LGUs following the lead of the national government in easing and streamlining the needed requirements, we are targeting to install at least 2,000 new sites,” wika ni Gil Genio, Chief Technology and Information Officer ng Globe.
Walang ARTA JMC at Bayanihan 2, ang Globe ay nakapagpatayo ng 500 cell towers noong 2018. Pagkalipas ng isang taon, dinoble ng kompanya ang rollouts nito sa 1,100 bagong sites.
Sa kabila ng pandemya ngayong taon, ang Globe ay nananatiling nasa target na mag-roll out ng 1,300 sites ngayong taon.
Karamihan sa tagumpay nito ay sa tulong ng national government agencies at local government units sa pagpapabilis ng pag-iisyu ng permits sa telcos.
Ang pagpasa ng Bayanihan To Recover as One Act o Bayanihan 2 noong 11 Setyembre 2020 at ang ARTA Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01 s. 2020 ay nag-udyok sa LGUs sa buong bansa na mag-isyu ng record number ng permits, habang inalis ng bagong batas ang iba pang permitting requirements na nagiging sanhi ng delay sa mga nakalipas na taon.
Para mapabilis ang pagtatayo, ang Globe ay nakipag-partner din sa limang independent tower companies para magtayo ng 900 bagong installations sa key locations sa buong bansa.
“With a promising start with these tower companies in 2021, we can expect to see more cell towers in different areas in the country. These new builds will help increase capacity of our network in most areas and at the same time provide better access and mobile experience to customers in parts of the country where we initially don’t have a cell site,” dagdag ni Genio.
Ang Globe ay naglatag ng 3-pronged strategy para sa network upgrades at expansion nito, na kinabibilangan ng agresibong cell site builds; pag-upgrade sa cell sites sa 4G/LTE gamit ang iba’t ibang frequencies; at pagpapabilis sa fiberization ng Filipino homes sa buong bansa.