Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PINANGUNAHAN ni Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang pamamahagi ng 200,000 “Ayuda ng Pasasalamat” na naglalaman ng grocery goods sa taunang “Pamaskong Handog” Christmas gift-giving event.

Ayuda-style na pamaskong handog ginawa sa Mandaluyong

IPINAGPATULOY ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang taunang Pamaskong Handog para sa mga residente.

Tinawag na Ayuda ng Pasasalamat, ito ay gagawin katulad ng paghahatid ng ayuda para maiwasan ang pagkakaroon ng pila at pagpunta ng maraming tao sa City Hall Complex dahil sa patuloy na umiiral na pandemya at para maiwasan ang biglang pagdami ng kaso ng CoVid-19.

Ayon kay Mayor Menchie Abalos, inihanda sa City Hall ang 200,000 gift packs na dinala sa bawat barangay at ang mga barangay officials ang maghahatid sa mga kabahayan.

“Wala na pong pilang mangyayari sa City Hall. At lahat po ng pamilyang nakatira sa lungsod ay mabibigyan kahit na kayo ay renter, sharer, o nakatira sa condo o subdivision.”

“Maituturing natin itong panghuling ayuda sa taong ito kaya lahat ng pamilyang Mandaleño ay bibigyan natin,” dagdag ni Mayor Abalos.

Kung dati ay binibigyan ng stub ang mga tatanggap ng Christmas gift pack, ngayon ay sabay-sabay na itong ibabahagi ng bawat barangay. Ito ay para masiguro na masusunod ang minimum public health protocols at maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao.

Ang mga tumanggap ng Pamaskong Handog ngayong taon ay mas marami kompara sa 65,000 indibidwal na nabigyan noong nakaraang taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …