IBA pa rin talaga na sa mga cinema pinanonood ang mga pelikula gaya noong normal times. Kaya matumal ang kinalabasan ng Pista ng Pelikulang Pilipino. Pero hindi nawawalan ng loob ang FDCP Chairman na si Liza Dino Seguerra.
Tuloy ang mga aktibidades niya sa pagpo-promote ng mga pelikulang Pilipino.
Sa gitna ng Pandemya ay tuloy-tuloy ang mga proyekto ng FDCP. Full of ideas si Liza at hindi ito nagpapaapekto sa mga kontrobersiyang pinagdaraanan. Basta masaya siya sa kanyang mga ginagawa at hindi mo siya makikitaan ng stress.
Kaya masuwerte ang FDCP na nagkaroon ng magaling at masipag na Chairman.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda