KINAKILIGAN ng netizens ang ibinahaging litrato ni Gabby Concepcion kasama ang kanyang leading lady na si Sanya Lopez mula sa lock-in taping ng kanilang upcoming Kapuso series na First Yaya.
Aprub na aprub na agad sa netizens ang fresh team up nina Sanya at Gabby. “Yes! So excited for this tandem, may chemistry! Can’t wait for March!”
Hindi rin inakala ni Sanya na mabilis niyang makakapalagayang loob ang actor.
“Na-discover ko na mabilis mag-adjust si kuya Gabby. Magaling siyang makisama. Of course, Mr. Gabby Concepcion! Ang akala ko sa kanya, veteran so, parang hindi niya ako agad mapapansin, pero sobrang bait,” paglalarawan ni Sanya kay Gabby.
Humanga naman si Gabby sa professionalism na ipinakikita ni Sanya. “Masarap siyang katrabaho kasi professional. She deserves ‘yung 2.9 million talaga sa Instagram. Ang daming followers nito, talagang mahal na mahal siya,” ani Gabby.
Mapapanood ang First Yaya simula March 2021 sa GMA-7.
COOL JOE!
ni Joe Barrameda