Friday , November 15 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Duterte hinamon ni Gob Coscosuella

KAMAKAILAN, sunod-sunod na bagyo ang humagupit sa malaking bahagi ng Luzon. Nasaksihan natin ang paghihirap na idinulot ng mga bagyo sa mga kababayan. Marami ang tumugon sa panaghoy ng mga nasalanta at agarang nagbigay ng tulong.

Isa ang Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, o OVP. Nagtatag sila ng relief operations center sa mismong tanggapan. Tone-toneladang donasyon ng pagkain at iba’t ibang kagamitan ang dumating at naipadala sa mga naapektohan. Maagap at epektibo ang ginawa ng OVP.

Umani sila ng papuri, at pag-aalipusta ng mga kritiko.Nag-o-overtime ang mga kritiko ni VP Leni Robredo. Humantong sa panlalait at pagmumura. Hindi sa katauhan ng Bise Presidente kundi pati sa mga nakapaligid sa kanya. Kasama ang kanyang mga anak.

Ipinalaki tayo na may mabuting ugali. Bakit ganito ang nanyayari? Kaliwa’t kanan ang maririnig na hindi maganda mula sa iilan sa ating paligid. Ito ay dahil sa galit tayo sa isang taong kasalungat sa pananaw? Nawawala ang “sense of fair play.” Naging bastos at mapanghusga tayo. Hindi naiba ang ating alulong sa alulong ng mga asong ulol.

Sanhi ito sa paglaganap ng mga “troll” at nawawala ang ating kakayahan na mag-isip sa sarili. Hinahayaan natin ang mga “troll” na magkalat ng kanilang baho, at kontento na lang tayo na ‘mag-like’ sa kanila. Tandaan na tayo ay nilikha na may pag-iisip malayang kalooban o “free will” kaya may kakayahan tayo na maging mapanuri, mag-isip, at magnilay.

Ani propesor Cesar Polvorosa Jr: “Not only is paying trolls deprives disaster victims of aid, but it imparts the wrong message that one can earn a living from telling lies.”

Sa panahon ng sakuna, hindi kailangan ang “trolls” para diktahan ang ating isipan. Kailangan natin magbunyag at harapin ang bawat suliranin na kapit-bisig.
*

ANG pelikulang “Tatlong Taong Walang Diyos” na idinirihe ng namayapang Mario O’Hara noong 1976. Isang pelikula ito na umiikot sa buhay ni Rosario at ang sinapit niya noong Digmaan. Pinagsamantalahan siya ng isang Hapon at ipinilit kay Rosario ang sarili na tanggapin siya. Kahit taliwas sa storyline ang pelikula, maaaring ihambing ang administrasyon ni Mr. Duterte sa panahon ng Hapon at buhay ni Rosario.

Puwedeng ihambing si Rosario sa Filipinas. Ang nagsamantala ay si Duterte. Mapapansin na bagaman nilapastangan ang Bayan, ipinilit na mahalin ng mga Filipino si Duterte. Sa istorya ni Mario O’Hara, marupok ang pagkatao ni Rosario katulad ng ilang kababayan natin. Sa bandang huli, bumigay siya sa matatamis na salita ng nagsamantala sa kanya.

Iba-iba ang tao at kahinaan niya. ‘Ika nga “tao lang” at may “breaking point” ang kanilang paninindigan kaya huwag sila husgahan. Gayundin sa mga taong ayaw bumitiw sa kanilang paninindigan. Huwag husgaan. Mas may katatagan at mas kayang tiisin ang mga paghihirap na dala ng administrasyon na walang Diyos.

Maganda ang sinabi ng kaibigan at kapwa-netizen Joe America: “The Philippines, over the past four years has become a nation without a soul, without purpose, other than corruption and favor, and without a conscience. It is 100M people going nowhere, and happy about it.”

Ito lang ang tiyak sa akin. Bagama’t walang Diyos, at may dilim na nagbabadya sa lupaing tinubuan, tuloy-tuloy ang laban. Manalig lagi na gigising tayo mula sa bangungot na dulot ng administrasyon ni Mr. Duterte. Sa mga nagpasyang itaas ang sulo sa pagitan ng kadiliman, hinihintay ang pagsilay sa isang Bayan na wala na ang manunupil.

*
HINDI ako nagtaka sa lingguhang press briefing ni Duterte. Imbes pagbuklurin ang mga mamamayan, pinaglalasog-lasog pa niya at nagtatanim ng intriga. Ang “flavor of the month” ni Duterte ay si Bayan Muna Party List Rep. Carlos Zarate, na inakusahang kasapi ng CPP-NPA.

Ito ang sabi ni Bob Magoo, netizen at “rock jock”: “Kunyari galit sa NPA, pero tuta naman ng Chinese Communist Party.”

Nagawa ni Duterte na ihambing si Mr. Zarate sa dumi ng aso. Marami ang nag-react dito.

Isa na ang komento ni Kaloi Zarate: “ANO ITONG PAMBABASTOS SA ISA SA NATITIRANG KAKARAMPOT NA MATITINO?!”

All-caps ang sagot ni Zarate na ang ibig sabihin ay galit siya at napipikon kay Duterte.

Sagot ni Rodolfo Hilado Divinagracia: “Ngayon ko lang nalaman na ang ‘tae ng aso’ ay napaka importanteng topiko sa national TV.”

May mga napupuno kay Duterte. Ang lingguhang “proof-of-life” niya ay parang sirang plaka na pinaiikot ng isang nasisiraan ng bait. Dahil dito may umaangal na.

Ani Gob. Lito Coscosuella: “To Digong DuDirty: When you insult women with your vile behaviour, I think of my loving mother, my only daughter, my caring wife, and my many decent women relatives and friends. I know they are insulted, and I AM INSULTED TOO.

“When you insult gays by your demeaning reference to ‘bayot,’ I FEEL JUST AS INSULTED as my brother-in-law is gay and decent. When you insult maids with your dirty venial sin joke, you insult not only the kasambahay we try to dignify through higher pay and respect for their personhood, you insult an entire nation, INCLUDING ME, because our sense of and desire for decency is violated. The truth is, your demeanor is an insult to the Code of Ethics for Public Servants.

“I AM THUS TAKING YOUR INSULTS PERSONALLY, AND I AM TELLING YOU I HAVE HAD ENOUGH.

“With all due respect to your followers, I am calling on every decent Filipino to say ENOUGH! I ask them to keep you away from our children, away from our women, and away from Malacañang. If you have a problem with that, tell me where we can meet and settle our differences. Man to Man.”

mackoyv@gmail.

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *