Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balitang nawasak ang ancestral house ni Gardo Versoza dahil sa bagyong Ulysses, fake news

WALA raw katotohanan ang balitang winasak ng bagyong Ulysses ang ancestral home nina Gardo Verzosa.

Nag-start raw ang isyu nang mag-post si Gardo on Instagram ng retrato ng kanilang bahay na sinalanta ng bagyong Ulysses.

But typical of most social media people, nagawan kaagad raw ito ng kuwento, without any verification coming from them.

In an interview, Ivy explained that what Gardo posted was their ancestral home, that even before the typhoon was already in bad condition.

Nakatira ang mag-asawang Gardo at Ivy sa tabi ng kanilang ancestral home.

Si Ivy ang tumatayong business manager ni Gardo.

“‘Yung ancestral house nina Gardo,” Ivy said, “katabi lang ng bahay namin at for renovation talaga siya this December.

“Ang post lang ni Gardo was ‘Haaaaayyyyy our house’ kasi nga naka-ready na siya, andiyan na ‘yung ibang materyales para sa renovation tapos biglang bumagyo.”

Pagkatapos raw noon, may mga gumawa na ng story mula sa IG post ni Gardo.

Ang dami na raw nailagay na kuwento sa balita nito.

At first, ayaw na sana nilang palakihin ang balita.

Pero nagulat raw sila dahil pati ang online news ng mga TV network at radio stations, inilabas rin ang balita without the benefit of an interview.

On top of this, marami rin netizens ang nag-worry at nagsabing sirang-sira ang bahay.

Wala raw sinabi si Gardo na sinalanta ni Ulysses ang kanilang ancestral house pero ‘yun ang ibinabalita.

Sana man lang daw, bago nila kinuha yung IG post ni Gardo, nagtanong man lang sila kung ito ba ang kanilang bahay.

“‘Yun ang nakapipikon, inilabas nila nang inilabas ang balita na hindi kami tinatanong.

“Sila na ‘yung gumawa ng istorya para sa picture na nakita nila sa Instagram account ni Gardo.

“Si Gardo, may mga charity work siyang hindi natuloy this week dahil sa mga basher na nagsasabing para ‘yon sa bahay niyang nasalanta ng bagyo. Ikino-connect na naman nila sa maling balita.

“Ipina-cancel ko na lang ang charity work niya para wala nang masabi ang bashers.”

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …