Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imelda Papin
Imelda Papin

CamSur Vice Governor Imelda Papin, laging handa sa panahon ng bagyo at iba pang kaganapan

WORRIED si Vice Governor Imelda Papin in connection with the welfare of her constituents in Camarines Sur.

“Naku, grabe! Ngayon, tinatamaan na naman kami ng bagyong Ulysses!” asseverated Imelda.

“Grabe! Bumalik lang ako, kumukuha ng ayuda.”

So far, marami naman daw ang tumutulong sa mga nasalanta ng super-bagyong Rolly sa CamSur.

“Maraming kaibigan kaming tumutulong,” she averred. “Ang naano sa amin, affected masyado, iyong mga nandoon sa coastal areas. Iyong malapit sa dagat,” she intoned.

Sa pagdating ng panibagong bagyo, prepared na raw ang Kabikulan.

Iyong mga ayuda raw ng province, inaaprobahan agad nila ‘yan sa Sangguniang Panlalawigan.

Nakahanda na raw sila at naka-pack-up na ang mga tulong.

“Tapos, the moment na na-hit sila ng typhoon, the day after or two, bigay na agad.”

Sa fundraising drive ni Imelda, iyong mga kaibigan lang daw niya ang kanyang nilalapitan.

Contrary to the impression of most people, siya pa rin daw ang presidente ng Actors’ Guild (Kapisanan ng mga Aktor ng Pelikulang Pilipino) at ‘di niya ito ipinauubaya sa kanyang VP na si Amay Bisaya.

Sa maliliit na artistang lumalapit sa kanya para humingi ng tulong ngayong panahon ng pandemya, lalo pa’t karamihan ay ilang buwan nang walang trabaho: “E, siyempre, from the heart na lang,” Imelda intoned.

“Pag lumalapit, siyempre hindi pupuwedeng hindi mo naman aabutan kahit papaano. Kasi, lahat naman, affected, e.

“Andaming walang koryente. Walang pagkain. Andaming gano’n.

“And actually, ang Actors’ Guild, we’ve been giving support. Hindi naman nalalahat, ‘no? Pero andami na naming ini-release.

“Salamat na lang din, nakakuha ako ng ayuda mula sa DSWD. Tapos, nakakuha rin ako ng tulong kina Senator Bong Revilla at Senator Lito Lapid. Andami namang tumulong.”

Anong masasabi niya sa itinayong grupo na AKTOR (League of Filipino Actors) that’s ably headed by Dingdong Dantes, at hiwalay sa Actors’ Guild?

“OK lang. OK lang ‘yon. Wine-welcome naman namin lahat. Marami namang grupong gusto na ano, OK lang iyan.”

No conflict whatsoever?

“No. None at all. Kasi, mga miyembro rin ng Actors’ Guild sila, e.”

Isa si Imelda sa mga judge ng singing competition na Tagisan ng Galing (TNG) Part 2, that’s being aired every Saturday and Sunday, 12:00 noon and 9:00 p.m. at the Net 25.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …