NOONG Nobyembre 1, 2020, hinagupit ng bagyong Rolly ang Luzon at pininsala ang Bicolandia at Batangas. Tinatayang halos kasinlaki ng Yolanda si Rolly, ngunit kapansin-pansin ang pagkakaiba ng paghahanda.
Noong sinalanta tayo ng Yolanda, maagap na pinaghandaan ng mga naatasang ahensiya ang bagyo. Naglagay ng tao at gamit sa mga lugar na daraanan nito. Ilang araw bago dumating si Yolanda, ang mga miyembro ng gabinete tulad ni DILG Secretary Mar Roxas at DSWD Secretary Dinky Soliman ay nandoon sa Tacloban City para salubungin si Yolanda. Alam natin ang nangyari nang nanalanta ang pinakamalakas na bagyo na abot ng ating alaala.
Katulad sa isang set ng post-apocalyptic movie ang Tacloban. Tila dinaanan ito ng higanteng squeegee. Dahil sa naglakihang daluyong nabura ang maraming barangay at katabing bayan, sampu ng kanilang mga LGU sa mapa. Nakita kung paano naging pantay ang kinagisnan ng mga tao. Mayaman o mahirap, makikita sila sa tabi ng daan na humihingi ng ayuda.
Fast-forward tayo sa kasalukuyan. Dumating si Rolly nang madaling araw ng Nobyembre 1. Daglian nagpatawag ang NDRRMC ng emergency meeting. Habang sinasalanta ang Kabikulan nagpulong si Spooksman Harry Roque at ang gabinete at mga tinalaga ni Duterte na retiradong heneral. Tanghali na nang sinabi ni Roque kay Albay Governor Al Francis Bichara na andiyan ang mga kalihim at handa na magbigay ng tulong sa kanya. Biglang sagot ni Gob: “Wala na po ang bagyo sa amin.”
Nakatatawa at nakalulungkot dahil sapol sa punchline si Mr. Roque, sampu ng nasa administrasyon ni Duterte. Imbes paghandaan ang papalapit na sakuna, pinili na magpabandying-bandying. Kumbaga sa karera banderang-kapos ang kabayo. Too late the hero. Sumasalamin ito sa kasalukuyang kalagayan ng pamahalaang Duterte. Magaling sa salita wala sa gawa.
Maganda ang sinabi ng kaibigan nating netizen na si Ding Velasco. Heto ang bunga ng kanyang pagninilay-nilay: “The SuperTyphoon of the year prompted Duterte to insult the entire Bicolandia: First Insult: Late announcement that Malacañang alloted a measly P879 million for use for Typhoon Rolly rehab (for a supertyphoon in the class of Yolanda?)
“Second Insult: The NDRRMC was never convened to prepare assistance to Bicol. It was as if because it was Bicol who was to suffer, they totally ignored it.
“Third Insult: Duterte went home to Davao City Thursday knowing fully well that the year’s strongest typhoon was on its way.
“Fourth Insult: Late Saturday night announcement by Roque that the NDRRMC will meet the next morning, Sunday at 10 am.
“Fifth Insult: The entire Bicol was left to fend for itself; there wasn’t even an announcement that the DSWD was preparing relief for a Supertyphoon.
“Why? Because Bicol has produced VP Leni, Senators Trillanes and De Lima? Pero ‘di bale, no matter how damaged Bicol comes out of this Supertyphoon, we Bicolanos will rise from the ashes because we are the land of the Oragons!”
Totoong ang Kabikulan ay daanan ng mga bagyo, at sanay ang mga “Oragon” sa sakuna na dulot ng bagyo. Pero mainam din sana kung nakagabay ang pamahalaan.
Pero ang tanong ko nasaan nang mga panahon na iyan si Mr. Duterte?.
Totoo, magmula noong Martes ng 27 Oktubre hanggang sa Lunes ng 2 Nobyembre sa kanyang lingguhang media briefing, wala ni anino ni Duterte ang nasilayan ng ating mga kababayan. Tuloy nagtatanong ang marami: “Nasaan si Presidente? Bakit hindi siya nagpakita at nakiisa sa mga nasalanta? Magpakita man lang sana para may paghugutan ng lakas ang taong bayan. Wala.”
Ang paghahanda para sa bagyong Rolly ay masasabing kulang na kulang at malabnaw. Malayo sa sinabi ni Spookman Roque noong nakaraang Sabado: “We have about P800 million worth of standby funds and family food packets ready for deployment po kapag nagkaroon na naman ng aberiya gaya ng susunod na bagyo gaya ni Rolly. At lahat naman po ng mga kinakailangan ng mga mag-i-evacuate ay naka-prepositioned po. Hindi lang po pagkain, pati mga evacuation centers have been pre-identified.”
Pasensya na po, pero taliwas ito sa nakita ni Juan Dela Cruz. Walang paghahanda at walang plano. Tanging ang OVP lang ang nakitaan ng sipag at plano. Pagtigil ng bagyo lumarga na ang team ng OVP sa pangunguna ni Bise-Presidente Leny Robredo papuntang Bicol upang tingnan ang kaganapan at magbigay ng agarang ayuda.
Sa kasalukuyan marami nang mga pribadong mamamayan ang nag-ambag ng tulong. At ito ay nag-iiwan ng tanong sa madla. Nasaan ang pondo para sa kalamidad? Tuloy nagmungkahi si Senador Risa Hontiveros na ibahagi ang P16 bilyong pondo para sa Anti-Insurgency Fund at ilaan ito sa Typhoon Rolly Relief Fund.
Ani Risa Hontiveros: “Ngayong panahon ng sakuna, ‘di hamak na mas kailangan ng mga kababayan natin sa Bicol region at sa iba pang mga lugar na nasalanta ng bagyo ang milyon-milyong pondo ng pamahalaan.”
“Duterte was missing in action as Filipinos struggled to survive a super typhoon, shows up in the aftermath and calls them “ugok.” Sickening. Siya na nga itong tamad at makupad, siya pang may ganang manumbat. Kung sa bagay, pareho lang sila ng dolomite sa Manila Bay. Walang silbi.”
Leila de Lima, prisoner of conscience
Naglalarawan sa tanong ni Father Amado Picardal: “Nasaan ang Pangulo? 91% approval rating! Either the majority are stupid, were duped or the survey was fake.”
Tuldukan na natin ito sa isang magandang sinabi ng isang netizen: “Instead of showing up empty-handed, but for Bong Go, it is better you stayed back in Davao.”
TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman