ANG sabi nila, hindi raw napapanis ang alak — pero kung kayo ang tatanungin, iinumin n’yo kaya ang alak sa bote na sinasabing pinakamatandang botelya ng wine sa buong mundo?
Tiyak na magdadalawang-isip kayo para inumin ito dahil ang sinasabi naming bote ng alak na kung tawagin ay Speyer wine bottle o Römerwein, ay sa kataunyan isang selyadong sisidlan, na sinasabing naglalaman ng likidong wine, na nahukay pa sa sinaunang libingan ng Romano sa Speyer, Germany.
Nadiskubre ang Speyer wine bottle noong 1867, sa ngayo’y Rhineland-Palatinate region ng Germany, isa sa pinakamatandang komunidad sa nasabing lugar.
Sinasabing ang botelya ay mula sa pagitan ng 325 at 350 AD at itinuturing na pinakamatandang botelya ng alak na hindi pa nabubuksan. Simula nang ito ay madiskubre, itinanghal ito sa Wine Museum section ng Historical Museum of the Palatinate sa Tower Room ng museo. May hugis na amphora, naglalaman ito ng isa’t kalahating litro ng sinasabing alak na kulay naninilaw na berde.
Nahukay ang Speyer wine bottle sa isang paghuhukay na isinagawa sa ika-4 na siglong libingan ng isang maharlikang Romano. Naglalaman din ang libingan ng dalawang sarcophagi o kabaong, ang isa para sa isang lalaki at isa sa isang babae.
Ayon sa pag-aaral, tinatayang isang Roman legionary (sundalong Romano) ang labi ng lalaki at ang alak ay probisyon para sa kanyang paglalakbay sa kabilang-buhay. Sa anim na botelya sa sarcophagus ng babae at 10 sisidlan sa sarcophagus ng lalaki, tanging isa lamang dito ang naglalaman ng likido.
Habang sinasabing naglaho na ang ethanol content ng alak, lumitaw sa pagsusuri nito na consistent ito sa pagiging isang sinaunang wine. Binanlawan din ang alak ng iba’t ibang mga dahon.
Ayon kay Petronius (c. 27–66 AD) sa kanyang isinulat na Satyricon, ang mga plaster sealed bottles tulang ng Speyer wine bottle ay analogous — ang paggamit ng babasaging materyales para sa isang botelya ay pambihira dahil madaling mabasag ito sa konsiderasyon ng mga Romano. (Kinalap ni TRACY CABRERA)