Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis Manzano, game nang pakasalan si Jessy Mendiola!

Sa isang webinar, biglang tinanong ni Iza Calzado si Luis kung may plano na raw itong pakasalan si Jessy.

Natawa si Luis at inulan ng tukso ang dalawa sa webinar.

Makikitang natawa nang malakas si Jessy. Umakto pa siyang inilalapit kunwari ang tenga sa camera upang pakinggan ang isasagot ng nobyo.

“Sabihin na lang natin, kung gagamitin natin ang sinabi ng isang game show… game na!”

Muling nagkatuksuhan ang panelists ng webinar, habang sumenyas naman ng dalawang thumbs up si Jessy, na tawa pa rin nang tawa.

“Game na,” Luis asseverated. “Gano’n kadali para sa akin.”

More than four years nang magkasintahan sina Luis at Jessy.

As a matter of fact, they celebrated their 4th anniversary last June 26, 2020.

When Luis greeted on Instagram Jessy on that special occassion, inulan sila ng congratulations mula sa kapwa celebrities.

Kabilang sa kanila ang malapit na kaibigan ni Luis na si Alex Gonzaga at ang singer na si Sitti Navarro.

Komento nina Alex at Sitti, it’s more than about time for Luis and Jessy to settle down.

Walang reply si Luis sa suggestions nina Alex at Sitti. Sagot ni Luis, ayaw raw niyang madaliin at pilitin.

Sa interview ng Magandang Buhay kay Luis last year (November 15, 2019 to be exact), he answered in a straightforward manner that he really plan to marry Jessy.

Nevertheless, ayaw raw niyang mag-propose dahil lang sa pine-pressure siya ng mga tao.

“Ayokong madaliin, ayokong pilitin,” Luis asseverated.

“Marami tayong kilala na ikinasal, hindi nag-work out.

“Pag tinanong mo kung bakit, kasi ang sagot nila, hindi pa pala ‘yun ang tamang time — pinilit, na-pressure sila sa pamilya, sa society,” he explained.

Follow  me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …