Monday , March 2 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dovie Red (Dovie San Andres) galit sa poser sa FB na ‘nambabastos’ sa namayapang boyfriend na si Khristian Michael Villanueva

Nagulat si Dovie Red (dating Dovie San Andres) nang makatanggap  ng report ukol sa isang poser sa Facebook na ginagamit ang kanyang namayapang boyfriend.

Isang Barrett Michael, gamit ang cover photo at lahat ng file photos and videos sa kanyang FB account ay sa namayapang indie actor-model noong 2018 na si Khristian Michael Villanueva na boyfriend ni Dovie.

Ang masakit para sa nasabing controversial social media personality (Dovie) pinalalabas ng Michael na ito sa mga kaibigan sa Facebook na siya ay kasalukuyang nasa Australia at doon nagtatrabaho.

Paano naging buhay ang patay? At ang worry pa ni Dovie ay baka pagkakitaan ng said poser ang mga taong nagpa-follow sa kanya kaya gusto niyang paalalahanan ang mga makababasa nito na wala siyang pahintulot o ang pamilya ni Khristian Michael sa Laguna na puwedeng gamitin ang mga larawan ng actor lalo’t namayapa na nga.

“Nag-pretend na buhay si Khristian Michael T. Villanueva, Jr. Nasa Australia siya. Grabe naman ito. Pero ang mga pictures ni Khristian ay mga dati pa.  Wala naman bago. Ang live video nya ay luma rin na kunwari ngayon buwan lang at taon. Ang pinakamasakit kakambal daw siya (Garrett) ni Khristian Michael pero ang mga pictures ay mismong pictures ni Khristian. Bakit ito ginawa sa taong namayapa na magto-2 years na sa February 17, 2021,” pahayag ni Dovie.

Aniya, hindi raw niya tatantanan ang nagpapanggap na Khristian Michael.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Alice Dixon

Alice ibinahagi sikreto ng pagiging mukhang bata 

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ni Alice Dixon ang kanyanv sikreto, kung bakit at the age of 56 …

Heart Evangelista

Heart ninakawan sa Paris

I-FLEXni Jun Nardo WALA pang ibinibigay na statement galing kay Heart Evangelista kaugnay sa report ni Ogie Diaz na nanakawan …

Rita Daniela Viva

Rita Daniela GMA iniwan lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM namam daw ng maayos si Rita Daniela sa GMA Artist Center bago lumipat sa Viva Artist …

Arjo Atayde

Arjo Atayde: Turismo sa pelikula at telebisyon kayang iangat ang Pilipinas

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NANINIWALA si Quezon City Rep. Arjo Atayde na ang turismo sa pelikula at …

Kylie Padilla

Kylie sakaling tumakbong VP si Robin: aalis na ‘ko ng Pilipinas

MA at PAni Rommel Placente MUKHANG hindi sang-ayon si Kylie Padilla sakaling tumakbo sa mas mataas na …