ISANTABI muna natin ang tungkol sa pandemya ng coronavirus at pag-usapan ang bagay na makapagpapasikat sa ating mga Pinoy sa kabila ng ipinaiiral na health safety protocols at lockdown na halos nagpabilanggo sa karamihan sa atin sa nakalipas na ilang buwan.
Sa Baras, Rizal ay nakadiskubre ng mga siyentista mula sa University of the Philippines (UP) ang inilarawan nilang bagong subspecies ng susong Hypseloptoma latispira.
Nagsisilbi ang mga suso bilang mahalagang bahagi sa ating ecosystem dahil lubhang napakababa nila sa habi ng pagkain sanhi ng pagkain nila ng nabubulok na halaman tulad ng mga dahon o kabote.
Habang ang bagong suso, na pinangalanang Hypselostoma latispira masungiensis, ay kasing laki lamang ng isang langgam at ang talukap nito’y may sukat lang na 5 milimetro. Ang pagkadiskubre nito ay nagbigay ng malakas na boses para sa kampanya ng proteksiyon ng ating Karst ecosystem na habitat o tirahan ng malilinggit na suso.
Ang pagkakakilanlan sa Masungi snail ay resulta ng tatlong-taong pag-aaral ng mga Pinoy scientists na sina Harold Lipae, Angelique Estabillo, Ian Kendrich Fontanilla, at Emmanuel Ryan de Chavez.
Ayon kay De Chavez, nakadepende ang Hypselostoma sa Karst o mga bahagi ng ating ecosystem na binubuo ng limestone dahil mayamang source ito ng calcium na ginagamit sa pagbubuo ng kanilang mga talukap at itlog.
Isa sa iilang malacologists (mga siyentistang pinag-aaralan ang mga mollusk tulad ng suso) sa bansa. Unang pinag-aralan ni De Chavez ang kakaibang mga suso sa Pamitinan Protected Landscape sa kalapit na munisipalidad ng Rodriguez (dating Montalban), na maraming matatagpuang limestone boulder at kuweba.
“At that time, we couldn’t identify it yet, but it looked different since its ventral side was exposed,” wika ng siyentista, na nagsisilbing curator para sa mga mollusk sa UP Los Baños Museum of Natural History.
Ayon kay Masungi Georeserve Foundation managing trustee Ann Dumaliang, ang pagkakadiskubre ng bagong microsnail ay nagbibigyay diin sa “halaga ng pagbibigay proteksiyon sa Masungi at ibang mga Karst ecosystem laban sa pagkasira nito.”
“Since the snail is a range-restricted and karst-dependent species, if the limestones and the areas around it are quarried, this species and others can easily go extinct,” dagdag ni Dumaliang.
“We need to protect these snails because they are also part of our natural heritage. If they go extinct, a little part of our being Filipino goes away with it,” punto naman ni De Chavez. (TRACY CABRERA)