ANG pagreretiro pala ni Ms Mariole Alberto bilang head ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN o Kapamilya Network ang rason kung bakit lumipat na sa Viva Artist Agency si Julia Barretto.
Base sa ginanap na virtual digicon ng Viva para i-welcome si Julia bilang latest addition sa roster of artists ng VAA na pinamamahalaan ni Ms Veronique del Rosario, natanong namin ang aktres kung bakit siya umalis sa Kapamilya Network at nag-quit sa teleseryeng Cara Y Cruz na siya sana ang bida kasama sina Tony Labrusca, Heaven Peralejo, at Barbie Imperial.
“Actually, si Tita Mariole kasi nag-announce siya ng retirement niya sa December (2020), a few months back na rin, kami-kami palang ang nakaaalam sa Star Magic, so, iyon talaga ang mga oras na you know, I really took sometime to really think and pray.
“Nag-pray talaga ako ng matindi para tulungan akong malaman kung ano pa ‘yung posibleng tahakin ko sa karera ko.
“But like I’ve said, they were (Ms Mariole at Mr. M) always guiding me, hindi naman months, siguro a few weeks lang na usapan pagpaplano at saka few weeks din na makapag-isip ako,” pagtatapat ng aktres.
Hindi naman sinagot ni Julia ang tanong namin kung kailan siya pumirma sa Viva.
“I don’t think that something we can really disclose po, Madam,” napangiting sagot ng dalaga.
At tungkol sa production ng Cara Y Cruz ay binanggit naming nagulat sila na nasa Viva na si Julia na naging dahilan kaya inalis na siya sa teleserye.
“You know what, I think I would to take this chance and opportunity to clear that out kasi may mga nabasa rin akong articles na wala namang katotohanan na sa mga nakasulat doon.
“When I made the decision to made the move to Viva, of course sa mga una kong kinausap talaga was sina Mr. M (Johnny Manahan) and Ms Mariole, bakit sila dahil sila po ang head ng Star Magic. Bilang head po, sa kanila ako nagpaalam.
“Regarding ‘Cara Y Cruz’ naman po, hindi po totoo na hindi na lang ako nagpakita bigla. I was present in all our script readings, I was present for our general assembly, I was present for look test, I was present for one-on-one meetings with the director, nakapag-usap na kami ng mga gagawin sa character and I’m being honest, nakapag-empake na rin po talaga ako, ready for the lock in taping.
“But last minute rin pong napagdesisyonan ng some of our heads from ABS, last minute silang nag-decide na they would want na Star Magic talent to be taking may role sa ‘Cara Y Cruz’ which was no problem for me, no hard feelings naman, it was something that I understood and support them with kung that what they want muna for ‘Cara Cruz’ is an all all Star Magic cast which I have no problem with. ‘Yun lang naman po ang nangyari, pero wala namang nangyari na hindi na lang ako nagpakita o nag-back-out, that’s not true naman po. I had every intention to push thru with ‘Cara Cruz’ as my support to our network,” paliwanag ni Julia.
Hindi na nakipag-coordinate ang production ng Cara Y Cruz kay Julia, ”nagkausap naman po kami especially ni CVV Ms Cory Vidanes, nilatag naman po ‘yung mga mangyayari, maayos naman po,” say ng aktres.
Samantala, pagkatapos ng digital presscon ay magmi-meeting pa sina Julia at Viva executives tungkol sa plano sa kanya at kung ano-anong projects ang gagawin niya kaya hindi niya nasagot pa nang tanungin siya tungkol sa career plan niya.