Saturday , November 23 2024

Ika-83 Malasakit Center binuksan sa Oriental Mindoro

BINUKSAN na sa publiko ang ika-83 Malasakit Center na matatagpuan sa Oriental Mindoro kasabay ng panawagan ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go sa publiko na “magbayanihan at magmalasakit sa kapwa” lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Mismong si Go ang nagpasinaya sa pinakabagong Malasakit Center sa provincial hospital ng Calapan City sa Oriental Mindoro sa pamamagitan ng isang virtual conference nitong Biyernes. Ito ang ika-43 Malasakit Center sa buong Luzon, ika-apat sa MIMAROPA at kauna-unahan sa Oriental Mindoro.

“Bukas na sa wakas ang pinakaunang Malasakit Center sa inyong probinsiya. Ito po ang ika-83 sa buong bansa. Matutulungan na rin sa wakas ng opisinang ito ang ating mga kababayan sa kanilang pangangailangang pangkalusugan,” ani Go.

“Zero balance ang target natin dito sa Malasakit Center kaya dapat lamang na hindi na matakot ang ating mga kababayan sa Oriental Mindoro na pumunta sa Oriental Mindoro (Provincial) Hospital para magpa-check-up, at magpagamot dahil tiyak na matutulungan kayo ng Malasakit Center,” dagdag ng senador.

Ang Malasakit Center ay utak ni Go matapos niyang masaksihan mismo ang kahirapan ng mamamayan na nagkakasakit sa bansa na humingi ng financial assistance sa mga tanggapan ng gobyerno. Dahil sa Malasakit center, pinagsama-sama nito ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth.

“Natutuhan ko po ito kay Pangulong Duterte noong Mayor pa po siya ng Davao City. Marami pong lumalapit sa kanya sa…City Hall. Nagdadala po ng hospital bills ang mga pasyente. Alam ni Governor ‘yan, alam ng Mayor ‘yan. Lalapit po ‘yan, hawak ‘yung bill, hihingi ng tulong. Alam ninyo, doon ko nakita ‘yung puso ni Mayor Duterte sa mahihirap. ‘Yung ibang pasyente po, hindi residente ng Davao City. Ang sinasabi ng COA, bawal daw gamitin ‘yung pera ng Davao City sa mga hindi residente ng Davao City,” ani Go.

“Pinagalitan ako ni Mayor. Kinuha niya ‘yung bill at sabi niya, ‘Bong, kung hindi mo ito matutulungan itong mga kababayan natin na mga taga-Surigao, taga-GenSan City, hindi na ako uupo dito bukas sa City Hall, dahil para sa akin Filipino rin mga ‘yan. Hindi ko matiis uupo dito at tatanggihan ko lang sila, hindi na ako babalik dito kung tatanggi lang ako’,” dagdag niya.

Kaya nang maupo si Pangulong Duterte, dito raw niya naisip na palaganapin ang naturang Center sa buong bansa para mapagaan ang buhay ng mga tao na nagkakasakit.

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *