Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

80-M Pinoy atat nang gumala (Sa tagal ng lockdown)

KAHIT kumakalat pa ang sakit na CoVid-19, mahigit 80 milyong Filipino ang gusto nang gumala sa mga tourist spots sa iba’t ibang dako ng bansa.

Sa pagharap sa pagdinig ng P3.5-bilyong budget ng  Department of Tourism (DOT) sinabi ni Secretary Berna Romulo-Puyat sa House committee on appropriations, 77 porsiyento ng mga Filipino ay ‘atat’ nang gumala.

“Based on our survey, 77 percent (Filipinos)  still want to travel even during CoVid-19 pandemic,” ani Romulo-Puyat.

Sa aktuwal na numero, ang 77 porsiyento ng kabuuang 110 milyong populasyon ng bansa, ay aabot sa 80 milyones.

Ani Romulo-Puyat, kahit gusto na ng mga Pinoy na pumunta sa tourist destinations, hindi pa maaaring buksan lahat dahil nananatili pa ang sakit na CoVid-19 sa bansa.

Isa sa mga bubuksan sa turista ang Boracay at isusunod ang Baguio para lamang sa mga residente ng Rehiyon 1.

“Lahat ng tourist destination gusto nang magbukas pero sila man ay nangangamba,” ayon kay Romulo-Puyat.

Umaasa si Romulo-Puyat na sa pagbukas ng lokal na turismo, makababawi ang sektor sa dinanas nitong kahirapan dulot ng CoVid-19.

Kaugnay nito, nanawagan si House committee on tourism chairperson at Laguna Rep. Sol Aragones sa taong bayan na tangkilikin ang lokal na industriya ng turismo bago bumiyahe sa labas ng bansa.

“Sa rami natin, kayang-kaya nating buhayin ang sariling tourism sector natin kaya mamasyal muna tayo sa sarili nating bayan bago sa ibang bansa,” ayon kay Aragones. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …