SIMULA kahapon (September 3), ang Kapuso comedian na si Pekto Nacua na ang regular host ng GMA Artist Center online dating game na E-Date Mo Si Idol.
Nagpasalamat si Pekto sa oportunidad na ibinigay ng GMA sa kanya ngayong naka-community quarantine.
“Malaking bagay din po talaga na binigyan kami ng pagkakataon ng GMA na gawin ang online shows na ‘to. Very thankful po ako,” aniya.
Kuwento ni Pekto, malaking adjustment ito para sa kanya dahil sanay siya sa dating set-up ng pag-shoot. Ngayon, kanya-kanya na silang set- up sa kanilang mga bahay.
“Medyo nag-a-adjust pa po ako. Siyempre, bago sa buhay namin ‘to. Gaya nga po ng sabi ni Betong (Sumaya), kami po lahat nagsi-set-up and nagpe-prepare.”
COOL JOE!
ni Joe Barrameda