Sunday , December 22 2024
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman
TAYANGTANG ni Mackoy Villaroman

Double-talk  

AGOSTO 31, 2020.

Ito ay makabuluhang araw para sa mga Filipino dahil ito ay Araw ng mga Bayani. Sa araw na ito ginugunita natin ang lahat ng Filipino na nag-atang ng pawis at dugo para sa isang malayang Inangbayan.

Ang araw na ito ay matunog din dahil, pagkatapos ng halos isang buwan na ‘no-show’ ang Pangulong Duterte, sa wakas, nagpakita sa Jolo Sulu, kasama ang kanyang alalay Bong Go upang magbigay-pugay sa mga nagbuwis ng buhay sa pagsabog ng bomba roon isang linggo na ang nakaraan.

Sa mga video clips na bigay ng Malacañan, makikita si Mr. Duterte na lumuhod at humalik sa lupa kung saan sumabog ang mga bomba.

Pero sandali lang at may napuna ako na sana ako lang ang nakapuna. Si Mr. Duterte nga ba ang nakita natin sa Marawi, o isang ‘double?’

Ang ‘double’ o nagbabalatkayo ay isang nagpapanggap na ibang tao na kadalasan makapangyarihan at mataas ang katungkulan.

Mga tulad ni Hitler, Ghadaffi, Stalin, Mussolini, maging si Roosevelt at Churchill. Sa Ingles sila ang mga ‘political decoy’ na ginagamit para magpanggap na sila ang mga tunay na politiko upang malihis ang atensiyon ng madla, at sila ay pupuntiryahin ng mga salarin na maaaring gumawa ng masama o pagtatago ng tunay na estado ng kalusugan.

Marami ang nagdududa na ang tao sa Jolo ay hindi si Duterte kundi isang ‘double’ at kahit hindi makita ang mukha walang duda ito dahil sa ilang napansin ng ating mga kababayan. Una masigla ito kompara kay Mr. Duterte na mabagal at medyo uugod-ugod ang kilos, pangalawa mukhang mas bata, maputi, at mas malusog ang pangangatawan, pangatlo ang mga daliri ay maikli kompara sa mahabang daliri ni Mr. Duterte. Pero ang kapansin-pansin ay walang tattoo ng Guardians Brotherhood ang kanang kamay.

Sa pagpunta ni Mr. Duterte sa Jolo, bawal ang media maliban sa taga-Malacañan, at walang tao na maaaring manood dahil ‘cordon off’ ang lugar.

Dahil marami na ang nagdududa sa nilalabas na pahayag ng Malacañan, marami sa atin ang naging mga matanglawin. Kaya hindi maalis na magtanong. Ano ba talaga ang tunay na kalagayan ni Mr. Duterte. Siya ba ay nasa maayos na kalagayan o sa banig ng karandaman o sa salita naming mga ‘millennials’ siya ba ay na-tegi na?

Maikli ang sagot ni dating senador Antonio Trillanes: “Kung may sakit siya ipaubaya niya sa Bise-Presidente ang pamamalakad ng estado, at kung wala naman e ‘wag siya tatamad-tamad at magtrabaho naman siya.”

 

*****

Tila ang nagiging trabaho ng ilang halal na senador at kongresista natin ay magsilbing ‘rubberstamp’ ni Mr. Duterte. Mapapansin na ang gawain nila ay isulong ang “agenda” niya imbes isulong ang mga programa para sa ikabubuti ng mamamayan.

Ito ay mapupuna sa gawain ni Mr. Bong Go, isang bagong halal na senador. Imbes manungkulan bilang senador ayon sa sinumpaan niya, nagsisilbing alalay ni Mr. Duterte.

 

Ito ang masasabi ni Manuel Laserna, Jr., patungkol sa tinaguriang pambansang alalay:

“Mga senador, wala ba kayong balak gawing ethics-based administrative action tungkol kay Bong Go in order to discipline him?

Ginagawa na lang niyang sideline ang pagiging senador.

Inabandona na niya ang tungkulin niya sa Senado.

Halos fulltime job na siya as Duterte’s caregiver, messenger, spox, bag man and ‘little president.’

Kaya hindi kayo iginagalang ng bayan dahil sa kapabayaan ninyo sa inyong tungkulin at dahil sa takot ninyo kay Duterte.

Kinitil ninyo ang prinsipyo ng “check and balance” sa ating Republika.

Sayang lang ang milyon-milyong pakinabang ninyo sa buwis ng bayan — salaries, allowances, bonuses, junkets, perks, hybrid pork barrel, special concessions, influence peddling, free vehicles, gasoline, and drivers, free security personnel, free clothing, free meals, free insurances, free laptops, tablets, mobile phones, and other high-tech gadgets, etc., etc., etc.

Mahiya naman kayo sa bayan na nagdarahop.

Dinudugo na kami sa pagpapataba ng mga tiyan at bayag ninyo.”

Tuloy naisip ko ang pinag-usapan namin ng kaibigan at batchmate sa USTHS Clarence Aytona, na pamangkin ng dating Senador Dominador Aytona ng Bicol.

Nakalulungkot isipin na wala nang mga politikong may dangal na tulad ni Lorenzo Tañada, Eva Estrada-Kalaw, Jose Roy, Jovito Salonga, at Gerry Roxas. Ngayon magigisnan natin sa luklukan ng Senado sina Bato de la Rosa, Cynthia Villar, Bong Revilla, Manny Paquiao, Imee Marcos, at Bong Go.

Sa Kongreso, naglipana rin ang mga tagasunod ni Mr. Duterte, at sila ang nagpapanatili sa kanyang buktot na agenda.

Kaya pakiusap sa lahat ng nagmamahal sa bayan, maging mapanuri sa mga ihahalal. Mahalin ang bayan at humalal ng taong may paninindigan sa sarili at may pagmamahal sa bayan imbes sa posisyon.

 

*****

Si Dante Gierran isa pang Davaoeño ang bagong hepe ang PhilHealth. Dating NBI na nakatalaga sa Davao si Mr. Gierran. Idinawit siya ng dating whistleblower na si Edgar Matobato sa gawain ng Davao Death Squad. Ayon sa testimonya ni Mr. Matobato, sangkot si Mr. Gierran sa aktibidades ng Davao Death Squad noong alkalde pa si Mr. Duterte, kung saan may pinatay sila at itinapon sa ilog upang kainin ng buwaya.

Sa isang panayam, inamin ni Mr. Gierran na wala siyang alam o karanasan sa pamamalakad sa sektor ng kalusugan, kahit ito ang isa sa mga requirements para maging pinuno ng PhilHealth.

Sapantaha ko, magiging kapuna-puna ang bagong destino niya.

Kapuna-puna talaga.

 

[email protected]

TAYANGTANG
ni Mackoy Villaroman

About Mackoy Villaroman

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *