Wednesday , May 14 2025

Andi Eigenmann, buntis na naman  

PARA kay Andi Eigenmann, sapat na ang isa o dalawang taon na pagitan sa pangalawa at pangatlo n’yang anak. Ibinalita ng aktres-surfer na nagdadalantao siya sa ikalawang anak nila ng mister n’yang sikat na surfer na si Philmar Alipayo. Pero pangatlong anak na nga ni Andie ang nasa sinapupunan n’ya dahil ang panganay n’ya ay ang anak n’ya sa aktor na si Jake Ejercito (anak ng dating pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez).

Sa Instagram birthday message ni Andi kay Philmar n’ya ini-announce na masusundan na ang anak nilang si Lilo. Siyempre pa, natuwa ang ama. Tinawag n’yang “blessing” ang nasa sinapupunan ni Andi.

Tiyak na may mga netizen na nagri-react at magsasabing mistulang parusa sa katawan n’ya ang pagdadalantao gayung isang taon pa lang ang anak nilang si Lilo (na nagdiwang ng kaarawan noong July 23). Kung may tatlo hanggang limang taon na pagitan sa pagdadalantao ni Andi, hindi na siguro ganoon ang magiging reaksiyon ng ilang mga netizen sa pagdadalantao ni Andie.

O kaya ay kung nagdalantao siya next year pa at tapos na ang pandemic ng Covid-19. Mababang-mababa lang naman maski na hanggang ngayon ang kaso ng Covid sa Siargao (isa o dalawa lang hanggang noong Hulyo) pero ayon sa na-monitor namin napakadalang ng pagdating doon ng mga tourist, dahil kahit na napakababa ng kaso ng Covid doon, kinakailangang magpa-quarantine muna ng 14 days ang mga gustong pumasok sa mga isla ng Siargao para makatiyak na mananatili ngang halos Covid-free ang mga resort doon. Halos wala na ngang kinikita ang mga surfing instructor doon at ‘yon ang pangunahing hanapbuhay ni Philmar.

Ayon sa Wikipedia, 30 years old na si Andi kaya pwede n’yang ikatwirang hindi na siya minor para komunsulta pa kung kani-kanino tungkol sa tamang panahon ng pagdadalantao niya.

Dalangin namin na maging maayos at malusog ang pagdadalantao at pagsilang ni Andi. Pero sana ay ‘di siya tularan ng mga menor de edad pa o ng mga babaeng ‘di kasing tindi n’ya ang kakayahang kumita.

Nagba-vlog sina Andie at Philmar. Malaki ang following ng vlog nilang Happy Islanders. Very professionally-produced ang vlog nila.

Mina-manage pa rin ng Viva Artists Agency si Andi at marami pa ring nakukuhang endorsements ang Viva para sa kanya kahit na para sa Instagram lang. May kita sa mga ‘yon kahit paano.

Kundi man matapos ang pandemya sa taong ito, mukhang kayang-kaya naman buhayin ng kita ni Andi ang pangalawang anak nila ni Philmar. Mukhang fully supported naman ni Jake ang anak nila. Sa kanya ito nakapisan dahil dito sa Metro Manila nag-aaral ang bata na eight years old na.

Nakakarating nga si Andie sa Metro Manila kung kinakailangan.  Nasa Metro Manila ang mag-iina hanggang ngayon at parang kaya sila lumuwas ay para maging cover silang mag-iina para sa Setyembre ng sosyal na magazine na Metro.Style. Naka-post na sa Instagram ni Andi na @andieigengirl ang cover. Wala pa rin namang kupas ang ganda ng nag-iisang anak ni Jaclyn Jose at ng yumaong Mark Gil.

 

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Chuckie Dreyfus Boy Abunda

Chuckie inamin nakaapekto tsismis na bading siya noon

MA at PAni Rommel Placente USAP-USAPAN noon sa mundo ng showbiz na bading ang dating …

Lotlot de Leon Nora Aunor

Lotlot pinasalamatan fans na bumibisita ara-araw sa puntod ni Nora

MA at PAni Rommel Placente ANG mga tagahanga ni Nora Aunor, na mga Noranian, ay araw-araw  pa …

Rabin Angeles

Rabin Angeles madalas naglalakad patungong Viva

RATED Rni Rommel Gonzales ANG buhay ay parang gulong na umiikot. Kung dati ay nasa …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *