Saturday , November 23 2024

Porzingis magagarahe dahil sa knee injury

INANUNSIYO ng pamu­nuan ng Dallas Mavericks na hindi  makalalaro si Kristaps Porzingis sa nalalabing games ng kanilang 1st round series kontra Los Angeles Clippers.

Garahe muna si Mavs star Porzingis dahi sa nadale siya ng meniscus tear sa kanang tuhod.

Ayon kay Marc Stein ng New York Times, hindi na makalalaro ang Mavs star sa nalalabing 2020 playoffs.

Ayon pa sa pamunuan ng Mavs, pinag-aaralan pa kung kinakailangang dumaan sa operasyon ang kanang tuhod ni  Porzingis.   Matatandaan na napunit ang kanyang kaliwang ACL sa naging laban nila noon kontra New York Knicks nung 2017-18 season.

Naglaro si Porzingis ng 57 games para sa Mavs sa 2019-20 regular season.   May averaged siya na 20.4 puntos, 9.5 rebounds at 1.8 asssists.   Ang shooting percentage niya ay 42.7 mula sa field, 35.2 percent mula sat res at 79.9 percent sa free-throw line sa 31.8 minuto sa loob ng court.

Pumirma si Porzingis ng limang taong kontrata  na max contract para sa Mavs nung summer 2019. Samantalang isa siyang All-Star talent, naging malapit siya sa injuries simula nang pumasok sa NBA.

Lamang sa serye ang Los Angeles Clippers 3-2 sa Mavs sa 1st round playoffs.  Ngayong hindi makalalaro si Porzingis, llamadong-llamado ang Clippers na makuha ang serye.

Nadale si Porzingis ng injury sa team’s Game 1 loss sa LA Clippers.  Inanunsiyo iyon ng Mavs pero ganun pa man ay naglaro pa rin sa Game 2 at 3 ang Mavs star.   Humataw pa siya ng 23 puntos at seven rebounds sa Game 2 win para itabla ang serye 1-1.   Sa Game 3 na kung saan ay natalo sila ay tumikada siya ng  double-double na 34 puntos at 13 rebounds  kahit pa nga ramdam na niya ang torn meniscus.

Sa kanyang unang postseason, may averaged si Porzingis na 23.7 punots, 8.7 rebounds at 1.0 blocks sa nasabing tatlong games.

Ang Game 6 ay itinakda sa Sabado, Agosto 29 at 3:30 pm. ET.

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *