“TULOY pa rin. Well, sana umayos na tayo,” pahayag ni Jonas Gaffud, Creative and Events Director ng Miss Universe Philippines, nang makausap siya ni Jojo Gabinete para sa Cabinet Files ng PEP.PH tungkol sa gaganaping Miss Universe Philippines.
Sa October 25, 2020 na ang coronation night na gaganapin sa Mall of Asia Arena. Maaari lamang magkaroon ng pagbabago sa petsa, depende sa sitwasyon ng Covid-19 pandemic.
Ang mismong Miss Universe ay malamang sa first quarter ng 2021 idaos.
Samantala, 200,000 facemasks ang donasyon sa Miss Universe Philippines Organization ng Miss Universe Singapore National Director na si Valerie Lim.
Matagal nang magkaibigan sina Jonas at Valerie, at ang donasyon ni Valerie ang naging instrumento para makapagbigay ang Aerian Essentials, isang facemask brand, ng kabuhayan sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.
“We need to innovate and strategize if we want to survive. This was a daunting project but we are constantly encouraged by positive feedback.
“We also know that our intentions are appreciated by our stakeholders, and this is what keeps us going,” sabi ni Jonas tungkol sa desisyon nitong dalhin sa mga Filipino ang facemask brand na binuo at idinisenyo ng fashion designer na si Albert Andrada.
Mula sa Singapore ang patented nanosilver fabric ng Aerian Essentials, na brainchild ni Dr. Liu Hongjun, ang world-renowned chemist na may expertise sa green technology.
Ipinagmalaki ni Jonas na breathable, comfortable, at may functional design ang Aerian Essentials na tumatagal ng apat na buwan kapag ginamit at mabisang proteksiyon laban sa mga bacteria at virus.
Para sa mga interesado sa Aerian Essentials, maaaring mag-inquire sa cellphone number 09178623645.
RATED R
ni Rommel Gonzales