Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grizzlies sinipa ng Trail Blazers sa playoffs

LAKE BUENA VISTA, Fla. —Tiniyak ni Damian Lillard at ng Portland Trail Blazers na lalarga  sila sa playoff.  Tinalo  nila ang Memphis Grizzlies, 126-122 sa  play-in game  para makasampa sila  sa 8th seed ng West sa Walt Disney World.

Sa nasabing laban ay hindi lang mag-isang  binalikat ni Lillard ang opensa ng Trail Blazers nang tulungan siya nina CJ McCollum, Jusuf Nurkic at Carmelo Anthony para hindi masentro sa kanya ang depensa ng kalaban.  Matatandaan na sa huling tatlong laro ay umiskor ng kabuuang 154 puntos si Lillard.

Ito ang unang playoff play-in game sa NBA history, na ang Grizzlies bilang West’s No. 9 seed ay kailangang maka­puwersa ng panalo para sa winner-take-all rematch sa Blazers sa Linggo.  Bagama’t nagawang posasan ng Memphis ang opensa ni Lillard sa final 9-plus minutes ng laban at namiyesta sa puntos si Ja Morant (35 puntos), na tinatayang magiging Rookie of the Year Award winner, ay hindi naman nila napigilan ang atake nina McCollum at Anthony sa huling bahagi ng laro.

Sa naging panalo ng Blazers ay umabante sila sa first-round series na kakaharapin nila ang  top-seeded Lakers na magsisimula sa Martes ng gabi.

Si McCollum na naglalaro ng may fracture sa likuran na natamo niya nung July 31 sa laro ng  Portland sa restart kontra Memphis, umiskor siya ng walo sa 29 puntos sa final 3:08, kasama dun ang dalawang ‘big shots’ kontra Morant.

Si Anthony na dating manlalaro ng Knicks na tinatayang palubog na ang career bago siya pinapirma ng Blazers nung November, ay naipasok ang 3-pointer mula sa wing na may 20.2 segundo.   At si Nurkic, na inanunsiyo sa Instagram bago ang laban na ang kanyang lola ay namatay dahil sa coronavirus sa kanyang bayan sa Bosnia, ay konsentrado sa laro na nag-ambag ng 22 puntos at 21 rebounds, kasama dun ang 15 puntos at 17 rebounds sa halftime.

Si Lillard na nagawang pangunahan sa opensa ang Portland ay tumikada ng 31 puntos, at nakangiting tinanggap ang kontribusyon ng mga teammates.  Si Lillard ang tinanghal na outstanding player of the NBA bubble na inaward   sa kanya nung Sabado.  Nag-averaged siya ng 37.6 puntos sa walong laro para tanghaling bubble’s Most Valuable Player honors.

“We didn’t fight as hard as we did in the bubble to get the eighth seed and get beat up on,” pahayag ni Lillard.

Si Nurkic na nalungkot sa pagkamatay ng kanyang lola ay nagbigay ng paggalang at sinabing: “I didn’t want to play. I think she made me play.”

Ang Grizzlies ay dumating sa Florida bilang No. 8 seed sa West at lamang ng three-and-a-half game sa malapit na naghahabol na team, kasama ang Portland.  Pero dahil sa new play-in concept ay nagbigay sa mga teams ng pag-asa katulad ng Portland at Phoenix Suns—na may 8-0 bago na-eliminate—ang pag-asa sa playoff ng Grizzlies ay sumemplang nang magtala ng 2-6 rekord at kasabay nun ang pagkawala nina Jaren Jackson Jr. (knee) at Justise Winslow (hip) dahil sa injury.

Naghabol ang Memphis sa 16 puntos sa kaagahan ng laro pero nag-rally sila sa fourth quarter, na tinibag nila ang depensa ng Porland.  Hindi rin naubusan si Morant ng tulong mula kina Jonas Valanciusnas na may 22 puntos at 17 rebounds at Dillon Brooks at Brandon Clarke na parehong gumawa ng 20 puntos.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …