Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balkans sinalakay ng Blue Crabs

TULAD ng kaakit-akit na purple crab dito sa Filipinas, maaaring nagagandahan ang karamihan sa mga alimangong kulay asul — dangan nga lang ay itinuturing itong salot sa dalampasigan ng Albania.

Naging pahirap ang kakaibang mga alimango para sa mangingisda sa Balkans na ngayo’y hirap na hirap idugtong ang pang-araw-araw nilang hango para sa kanilang kabuhayan dahil ang sinasabing ‘invasive species’ ay sadyang sinisira ang ecosystem sa nasabing rehiyon sa Europa.

Indemic sa Atlantiko, ang Callinectes sapidus ay lumitaw sa karagatang Adriatiko ng Albania, may isang dekada ang nakalipas, dala ng umiinit na temperatura ng dagat.

Sa masukal na coastal area kalapit ng Karavasta Lagoon, sagabal ang mga alimango sa mga lambat at dam sa pagitan ng tubig kaya nahihirapang makahuli ang mga mangingisda ng dati nilang hango mula sa dagat.

“The crab takes our daily bread and even the fish in the nets… there is nothing to sell,” hinaing ni Besmir Hoxha, 44, habang inaalis ang isang maliit na isdang nadurog sa sipit ng isang blue crab.

Ipinakita ng kasama ni Besmir na si Stilian Kisha ang kanyang kamay at braso na may bahid ng mga sugat mula sa kagat o sipit ng mga salot na alimango.

“They are very aggressive and clever, a real curse. This year we are seeing the crab everywhere, on the coast, offshore but also in inland waters, rivers and lagoons. The damage is enormous,” punto ni Stilian.

May mga araw na nakakokolekta ang iba nilang kasamahang mangingisda ng aabot sa 30 kilo ng blue crab — na maihahambing sa lima hanggang anim na kilo lang ng isda na ibinebenta nila sa pamilihan.

Dahil sa salot na mga alimango ay naglalaho ang mga dating hangong lokal na sea bass, red mullets at igat.

“It’s a daily challenge with the crab, who will be the first to catch the fish—this morning the crabs won again,” ani Stilian. (Kinalap ni TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …