Tuesday , March 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arthur at Rochelle, sa bahay nagdiwang ng anibersaryo

NAGPALITAN ng sweet messages sa kanilang social media accounts ang Kapuso couple na sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan sa pagdiriwang ng kanilang third wedding anniversary noong August 8.

 

Sa Instagram post ay ibinahagi ni Arthur ang mga larawan nila ng asawa na kuha sa kanilang travels sa iba’t ibang panig ng mundo, “Before this day ends, I want to thank the good Lord for all the blessings we have received. Happy 3rd wedding anniversary ulit, @rochellepangilinan. Thank you sa masayang araw. Nagawan natin ng paraan i-celebrate kahit simple pero masaya and with Shiloh pa! Apir!”

 

Larawan naman ng kanilang 1st wedding anniversary date ang ipinost ni Rochelle na aniya ay memorable para sa kanila dahil ipinagbubuntis pa niya noon ang baby nilang si Shiloh.

 

“Napaka-memorable sa ‘tin nito kaya ito and pinost ko kasi buntis ako at 1st wedding anniversary celebration natin. Today, 3 years na tayo! Staycation tayo! Pero sa bahay muna at mag-date or dinner pero sa garahe muna. Kahit saan, ang importante magkasama tayo at kasami si God sa lahat. I love you sooo much @arthursolinap! Thank you for making me happy every day at sa pagiging supportive husband sa lahat ng plano at ginagawa ko.”

 

Napapanood si Arthur sa award-winning comedy sitcom na Pepito Manaloto tuwing Sabado, habang si Rochelle naman ay gumaganap bilang Agane sa Encatadia, na may rerun mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad.

 

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Gil Cuerva Nikko Natividad Aaron Villaflor Ron Angeles

Sex video ng 4 na aktor pinagpipistahan 

I-FLEXni Jun Nardo SUMABAY sa Big Night ng Pinoy Big Brother Collab 2.0 ang pagiging viral ng …

Archi Adamos

Archi Adamos sinuportahan pag-amin ng anak na LGBT member

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang pag-amin ng character actor na si Archi Adamos na may anak …

Alice Dixon

Alice ibinahagi sikreto ng pagiging mukhang bata 

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ni Alice Dixon ang kanyanv sikreto, kung bakit at the age of 56 …

Heart Evangelista

Heart ninakawan sa Paris

I-FLEXni Jun Nardo WALA pang ibinibigay na statement galing kay Heart Evangelista kaugnay sa report ni Ogie Diaz na nanakawan …

Rita Daniela Viva

Rita Daniela GMA iniwan lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM namam daw ng maayos si Rita Daniela sa GMA Artist Center bago lumipat sa Viva Artist …