Friday , November 15 2024
EDITORIAL logo

Editoryal: BMW ng power utility company pag-abuso sa consumers’ money

KUNG ang vital industry gaya ng serbisyo sa koryente ay pinagkikitaan, pinaglilingkod sa interes ng may-ari ng kompanya, at hindi na kinakalinga ang kanilang consumers, dapat pa ba silang pagkatiwalaan?

Sa Iloilo City dalawang transport group ang umapela sa Energy Regulatory Commission(ERC) na silipin at imbestigahan ang Capital Expenditure ng Panay Electric Company (PECO) matapos lumitaw na ang pondong inaprobahan para sa pagbili ng transportation equipment ay ibinili ng luxury car na BMW at nang mawalan ng prankisa ang kompanya ay ibinenta sa pangulo nito.

Ayon sa Western Visayas Transport Cooperative (WVTC) at Iloilo City Loop Alliance of Jeepney Operators and Drivers Association (ICLAJODA) sa kanilang pagberipika sa Land Transportation Office (LTO) ay lumilitaw na ang kinukuwestiyong BMW ay naibenta noong 22 Mayo 2019 kay PECO President Luis Miguel Cacho.

“Kailangan mapatunayan nila sa tao na hindi nila winawaldas ang pera ng mga consumer, dahil kung hindi dapat silang managot, kung totoo ‘yan maliwanag na pandaraya ‘yang transaksiyon na ‘yan sangkot ang pera ng electric consumers,” pahayag ni WVTC General Manager Halley Alcarde.

Gayondin ang posisyon ni ICLAJODA President Raymundo Parcon, aniya, kuwestiyonable ang naging “timing” ng pagbebenta ng mamahaling sasakyan dahil ginawa ito sa panahong wala nang legislative franchise ang kompanya.

“Habang ang PECO ay nakabaon sa sandamakmak na isyung legal kaugnay ng pagpapatuloy ng operasyon nito, timing naman na ibinenta sa presidente ang luxury car na pag-aari ng kompanya?! Isa pa, pinapayagan ba ng ERC na magmay-ari ng luxury car ang PECO?” giit-tanong ni Parcon.

Sa record, sinabing 2015 nang bumili ang PECO ng BMW 520d sedan mula sa Asian Carmaker Corporation na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Ang nasabing sasakyan ay binili gamit ang pera na inaprobahan ng ERC para sa pagbili ng transportation equipment sa ilalim ng Capital Expenditure (CAPEX) ng PECO para sa taong 2011 hanggang 2015.

Nabatid na para sa taong 2011 ay P2,133,851 ang alokasyon para sa transportation equipment ng PECO; noong 2012 ay P2,231,446; 2013 ay nasa P2,337,988; 2014 ay P2,447,289; at 2015 ay nasa P2,560,476.

Ang inaprobahang pondo ay pambili ng utility vehicles na magagamit sa operasyon nito ngunit imbes mga sasakyan na magagamit sa official function ng kompanya, kalahati ng pondo ay ipinambili ng luxuy car.

Dahil hindi papayagan ng ERC ang unnecessary expenditure, itinago umano ang ipinambili ng BMW sa ilalim ng pagbili ng distribution lines and hardwares.

Ang Capital Expenditure ng power firms ay isinusumite at pinaaaprobahan sa ERC upang matiyak na ang mga economically efficient capital expenditure lamang ang mapopondohan para masigurong mapoprotektahan ang public interest.

Malinaw na isinasaad sa guidelines ng ERC: “Any plan for expansion or improvement of distribution facilities shall be reviewed and approved by the Commission to ensure that all capital projects are optimized and that the contracting and procurement of the equipment, assets and services have been subjected to transparent and competitive bidding and purchasing processes to protect public interest. Applications of this nature shall be governed by the Guidelines to Govern the Submission, Evaluation and Approval of Electric Distribution Capital Projects.”

Inihayag ng WVTC, malinaw na ang pagbili ng BMW ng PECO lalo sa personal na gamit ay hindi maikokonsidera bilang economically efficient bagkus ay maituturing na pag-abuso sa consumers’ money.

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *