Thursday , November 21 2024

Bukod sa groceries, bills payment at essential goods (10 fun at safe activities na pwedeng gawin sa SM)

Mag-go-grocery ka ba, mamimili ng essential goods o magbabayad ng bills? Lahat ng ito at marami pang iba, magagawa mo ng ligtas at nang isang puntahan lang sa SM. At dahil sa #SafeMallingAtSM campaign, safe at laging enjoyable ang malling experience tuwing magagawi ka sa SM.

Pero bukod sa grocery shopping and bills errands, ’eto ang mga pwedeng gawin para masulit at ma-enjoy ang bawat pagpunta sa SM:

  1. Alamin ang latest gadgets and tech sa SM Cyberzone

Naghahanap ka ba ng gadgets para sa work-from-home set up mo? O kaya para sa online classes ng mga kids? Pumunta lang sa SM Cyberzone para sa on-site live demos ng mga bagong gadgets. Pwedeng pang level-up ng work from home set up or para sa mga remote learning tech tools ng mga bagets. Dahil #SMCybermonth2020 na, may mga exclusive deals, freebies, at prizes mula sa iba’t ibang outlets, kaya #CheckCyberzone na!

  1. Buy local sa BUYanihan

Alam mo ba ng may higit 15,000 micro, small, at medium enterprises sa lahat ng SM malls sa buong bansa? Napakarami at talagang good quality ang mga paninda nila  —mga milk tea, turmeric powder, essential oils, mga native snack, salted-egg potato chips at marami pang iba.  Ito yung mga kiosks at stalls na madalas nating madaanan at minsan, hindi napapansin. Next time na nasa SM ka, daan ka naman para bumili ng paninda. Ang tawag dyan BUYanihan, bes.

  1. Sariwang gulay at prutas sa FarmersProduce

Hindi lang mga negosyante ang kailangan ng tulong natin — pati mga magsasaka apektado ng pandemya. Kaya tara na sa Farmers’ Produce kung saan murang-mura ang mga sariwang prutas, gulay, at iba’t ibang lokal na produkto mula sa ating mga magsasaka. Dito ka na mamalengke pag weekend: SM City North Edsa (July 31 – August 2), SM Mall of Asia (August 7-9 at 14-16), SM Megamall (August 21-23 at 28-30), at SM Southmall (September 4-6 at 11-13). Ang Farmers’ Produce ay project ng Department of Agriculture, Resto PH, at SM. Win-win mamili dito — nakakain ka na ng  fresh, mura at masustansya, nabigyan mo pa ng suporta ang ating mga magsasaka!

  1. Flash deals at sale ba kamo?

Bumalik na ang mga flash deals at monthly sales. Kaya #ShopAtSM na! Mula sa mga damit, home furniture, baking supplies, at baby at kiddie items — iba’t ibang mga sale at promo ang naghihintay sa ’yo mapa online o sa SM mall mismo. Kaya wag palampasin — abang-abang na tuwing pupunta sa SM!

  1. Goodbye, quarantine hair

Paalam na sa paling-paling na gupit! Dahil bukas na rin ang mga paborito mong salon at barbershop sa SM, pwedeng pwede na ulit magpa-style at magpapamper sa mga expert stylists! Lahat sila ay sumusunod sa strict IATF at DTI safety protocols.

  1. Bigyan ng TLC ang iyong pets

Ubos na ba ang treats ni Paningning? Pagpunta mo sa SM, pwedeng pwede nang isabay ang dog food, treats, vitamins, shampoo, at lahat ng mga kailangan ng pinakamamahal nating mga alaga dahil bukas na ang mga pet stores sa SM.

  1. May dine-in na!

Kung dati ay hanggang takeout lang tayo, ngayon pwedeng pwede nang mag dine-in sa iyong favorite restaurants sa SM! May safety measures sa bawat restaurant tulad ng transparent dividers, cashless payment options, at paperless menu kaya walang pangamba mag dine-in. Hanggang 50% dining capacity lang ang sinusunod kaya sigurado ang social distancing at safety. Pwede rin mag dine-in sa nakatutuwang Designated Dining Spaces ng SM para maiba naman.

  1. Dito magandang mag-selfie

Na-miss mo bang mag-selfie at mag-post ng food shots sa IG? Ang saya mag-selfie sa dining areas ng SM dahil may iba’t ibang designs at themes ang mga dining area. May mga K-drama stars sa Seoul Spot sa SM Megamall, Bloom Village sa SM Baguio, at kung anu-ano pang fun themes na perfect pang IG post! At dahil napakaluwag ng dining areas, iwas photo bomber kaya selfie pa more!

  1. Pasalubong galore!

Syempre, di pwedeng umuwi ng walang bitbit para dun sa mga walang quarantine pass sa bahay. Pwede kang mag advance order sa mga restaurants tapos daanan mo na lang pagkatapos mag-grocery, magbayad ng bills at kung anu-ano pang errands. Ang daming choices! Pizza, ramen, cakes at bagong baked na cookies. Pwede ring mamili ng toys para sa mga kiddos na hindi pwedeng lumabas. Para naman di sila sumimangot pag uwi mo kasi ikaw lang ang nagpunta sa SM.

  1. Wag kalimutan ang health essentials

Dahil nga may pandemya, wag na wag kalimutan ang mga kailangan para sa new normal. Siguraduhing may stock ka na face mask, face shield, alchohol, at sanitizer, sanitizing wipes, vitamins at immune boosting supplements. Lahat ng ito available sa The SM Store, Ace Hardware at Watsons. #EverythingsHereAtSM

So ayan, simulan nang maglista ng mga gagawin at bibilhin, isuot ang face mask at tara na sa SM where health and safety is a top priority. Sa SM, tuluy-tuloy at mahigpit na sinusunod anghealth at sanitation measures sa lahat ng SM mall sa buong Pilipinas.

#SafeMallingAtSM #KasamaNgSM #SMforSMEs.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *