Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kooperasyon kailangan para matiyak sapat na fixed broadband infrastructure sa ‘new normal’

ANG implementasyon ng quarantine protocols, travel restrictions at physical distancing dahil sa COVID-19 pandemic ay marahas na nakapagpabago sa pamumuhay ng mga Filipino at sa pananatili nilang ‘connected.’

Sa katunayan, ang paglipat sa tinatawag na ‘new normal’ ay madaling maunawaan dahil ginawa ng pandemya ang internet connectivity na isang basic essential sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pinoy, tulad ng koryente at tubig.

Ang pagiging ‘connected’ sa digital context ay naging pangangailangan para sa mga Filipino at sa bansa upang mapagtagumpayan ang pandemya dahil ang trabaho at commercial activities ay nakasalalay ngayon dito.

Bunga nito, mahalagang matiyak na ang basic commodity ay maging available sa mas maraming Filipino,  ngayon, higit kailanman.

Para mangyari ito, kailangang magtulungan ang pamahalaan at ang telco industry upang masiguro ang pagkakaroon ng sapat na broadband infrastructures na lubhang kinakailangan sa mga tahanan, eskuwelahan, negosyo at iba pang establisimiyento.

“This is where we need the help and support of the government, especially the local government units, so that we can expand our capacity by building more cell sites and towers in the next few months in residential areas. We also need to upgrade our fiber connectivity to improve further our data speeds. This is the only way we can address the growing demand not only of our customers but the public in general,” wika ni Gil Genio, Globe Chief Technology and Information Officer and Chief Strategy Officer.

Ipinakita ng pandemya na kailangan ng mga Filipino ng wireless broadband habang sila ay nasa labas at ng  fixed broadband habang nagtatrabaho o nag-aaral sa bahay, lalo na kapag kakailanganin ng iba’t ibang  digital online services tulad ng Zoom, Google, Viber, Facebook, YouTube at marami pang iba.

Ang pagkakaroon ng wireless broadband ay matatamo sa pagtatayo ng cell sites at towers, habang ang wired broadband availability ay matutugunan ng pagkakaroon ng fixed broadband infrastructure.

Gayonman, sa loob ng mahabang panahon, ang pagsisikap ng telco industry na mag-expand at magtayo ng mga kinakailangang broadband infrastructures ay napipigilan dahil sa iba’t ibang kadahilanan, una na rito ang permitting requirements na ipinatutupad ng LGUs, gayondin ang pagtutol ng homeowners associations.

“The government and the telcos need to collaborate now, more than ever, to lay down and build the necessary infrastructures to deliver the needed connectivity as more Filipinos adapt to the new normal, which requires more e-services and e-governance. We need to connect as many Filipinos as possible and make their mobile experience more convenient and enjoyable,” ani Genio.

Sa kabila ng umiiral na quarantine protocols, ang Globe ay nakahandang isulong ang network builds nito sa susunod na tatlong buwan.

Ang network expansion plans nito sa iba’t ibang lalawigan sa bansa ang magiging kasagutan sa lumalaking pangangailangan sa connectivity.

Sa tulong ng gobyerno, maihahatid din ng kompanya ang digital experience sa mas maraming Filipino, lalo sa malalayong lugar sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …