ANG Bidaman finalist na si Ron Macapagal ay muling kinilala ang acting prowess nang magwaging Best Actor sa Druk International Film Festival sa Bhutan, para sa pelikulang Tutop.
Ito na ang pangalawang international Best Actor award ni Ron. Una ay sa Oniros Film Award sa Italy para sa pelikulang Cuckoo.
Nagpahayag ng kagalakan si Ron sa pinakabagong achievement na natamo. “Masaya po ako, it’s one great honor po na kilalanin at manalo, lalo sa international filmfest.”
Nagpasalamat din siya sa kanyag manager-mentor na si Direrk Romm Burlat. “I have worked with Direk Romm for a long time and I am really thankful sa kanya, because he always gives me challenging roles to further improve my skills in acting. Salamat, direk.”
Sa panig ni Direk Romm, binati niya si Ron sa kanyang social media account.
“Thank You very much to the fans and supporters of Bidaman Ron Macapagal for sending congratulations for his win as Best Actor in the recently-concluded Druk International Film Festival in Bhutan. It is his 2nd international Best Actor award.”
To-date, si Ron ay nanalo na ng six Best Actor awards from the local film festivals and two Best Actor awards sa international filmfest. Locally, kabilang sa mga pelikulang ito ang Ama Ka Ng Anak Mo, Beki’t Ako, at Cuckoo.
Nakatakda rin niyang idirek ang pelikulang Bata Pa Si Abel na tatampukan ng fellow ROMMantic, na si Rob Torres. Si Ron ang naging AD (Assistant Director) ni Direk Romm sa pelikulang Homecoming (Mammangi) na nanalong Best Short Film sa Eurasia International Film Festival sa Moscow, Russia.
Tatapusin na rin ni Ron very soon ang remaining shooting days ng dalawang full-length movies niyang Bakit Nasa Huli Ang Simula at And I Loved Her na kapwa pinamamahalaan ng multi-awarded actor/director Romm Burlat.
Tapos nito ay isusunod na ng guwapitong actor ang emotionally-charged movie na Hesus, tungkol sa isang manic-depressive person.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio